Umajamnón
Umajamnón
Ang Umajamnón ay ang wika ng mga katutubong Umayamnón na naninirahan sa Bukidnon partikular sa mga bayan ng San Fernando at Cabanglasan—na sentro ng mga Umayamnón—at sa ilang bahagi ng Davao del Norte at Agusan del Sur.
Umajamnón ang lingua franca sa lugar ng mga Umayamnón ngunit dahil napaliligiran ng ibang etnolingguwistikong grupo tulad ng mga Higâunon, Manóbo Tigwahánon, Manóbo Matigsálug, at Binúkid, hindi maiwasang matutuhan ng mga katutubo ang mga wika ng mga grupong ito. Bagaman ang sariling katutubong wika ang unang wikang natututuhan ng mga Umayamnón, natututo na rin silá ng ibang wika dahil sa eksposyur sa ibang kultura. Unti-unti na ring natututo ang mga nakapag-aaral na batàng Umayamnón ng Filipíno at Inglés.
Pangalan ng Wika | Umajamnón |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Umayamnon |
Pangkat na gumagamit ng wika | Umayamnón |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, Central, East |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon | Walang tiyak na bilang |
Lokasyon | Cabangsalan, at San Fernando sa Bukidnon |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang talâ |
Responses