Yákan

 

Yákan

          Ang Yákan ay ang wika ng mga katutubong Yákan na naninirahan sa mga bayan ng Lamitan, Tuburan, Tipo-tipo, Sumisip, at Isabela sa lalawigan ng Basilan; sa Sulu; sa Isla ng Siakol, Lungsod Zamboanga; at sa ilang bahagi ng Zamboanga del Sur.

          Bukod sa kanilang katutubong wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Yákan ng wikang Bahása Sug at Chabacano. Natututuhan naman nilá ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Yákan
Iba pang tawag sa wika (alternate names) Bahasa Yakan, Iyakan
Pangkat na gumagamit ng wika  Yákan
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Barito, Samalan
Mga kilalang wikain (dialects)
Populasyon

35,742 Lungsod ng Zamboanga (KWF LEF 2018)
194,609 (NSO 2010 ARMM, R-IX)

Lokasyon Lamitan, Basilan, Sumagdang, Lungsod Isabela, Lungsod Zamboanga, Isla ng Sakol, (ARMM, R-IX)
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang talâ

Responses