Yogad

 

Yógad

          Yógad ang tawag sa wika ng mga katutubong Yógad na isa sa mga pangunahing grupo sa lalawigan ng Isabela at naninirahan partikular sa bayan ng Echague, Jones, at Sierra Madre.

          Sa bayan ng Echague matatagpuan ang sentro ng grupo na pinanirahan ng pinamalaking bílang ng mga Yógad. Para sa mga tagalabas, lalo na sa mga Ilokáno, kilalá rin ang mga Yógad sa tawag na Kaggi.

          Ilokáno ang rehiyonal na wika sa lalawigan kayâ kasabay ng pagkatuto ng kanilang katutubong wika, natututuhan din ng mga batàng Yógad ang Ilokáno. Bukod dito, marunong din ang karamihan sa kanila ng wikang Filipino at Ingles.

Pangalan ng Wika Yógad
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Yógad
Sigla ng Wika Tiyak na nganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Northern Cordilleran
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 16,000 (2015 census, Echague Isabela- LEF 2018)
Lokasyon Echague at Jones sa Isabela
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses