Alangán Mangyán

 

Alangán Mangyán

          Alangán Mangyán ang tawag sa wika ng grupong Alangán Mangyán na naninirahan sa Oriental Mindoro, partikular sa mga bayan ng Baco, Naujan, San Teodoro, at Victoria; at sa Occidental Mindoro, sa bayan ng Sablayan at sa ilang bahagi ng bayan ng San Jose at Santa Cruz. 

          Karamihan sa mga Alangán Mangyán ay monolingguwal, lalo na iyong matatandang miyembro ng komunidad. Ang nakababatàng henerasyon naman, lalo na ang mga nakakapag-aaral, ay natututo ng wikang Filipíno at Inglés. Bagaman, iilan lámang ang nakapagsasalita ng Inglés dahil sa kakulangan ng eksposyur sa wikang ito.

Pangalan ng Wika Alangán Mangyán
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Alangan Mangyan
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon North Mangyan
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 16,627 (NSO 2010 R-IV-B)
Lokasyon Baco, Naujan, San Teodoro, at Victoria sa Oriental Mindoro; Sablayan, San Jose, at Santa Cruz sa Occidental Mindoro
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses