Alangán Mangyán ang tawag sa wika ng grupong Alangán Mangyán na naninirahan sa Oriental Mindoro, partikular sa mga bayan ng Baco, Naujan, San Teodoro, at Victoria; at sa Occidental Mindoro, sa bayan ng Sablayan at sa ilang bahagi ng bayan ng San Jose at Santa Cruz.
Karamihan sa mga Alangán Mangyán ay monolingguwal, lalo na iyong matatandang miyembro ng komunidad. Ang nakababatàng henerasyon naman, lalo na ang mga nakakapag-aaral ay natututo ng wikang Filipíno at Inglés, bagaman iilan lámang ang nakapagsasalita ng Inglés dahil sa kakulangan sa eksposyur sa wikang ito.
1. Pangalan ng Wika
Alangán Mangyán
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Alangan Mangyan
4. Sigla ng Wika
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
North Mangyan
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon
16,627 (NSO 2010 R-IV-B)
8. Lokasyon
Baco, Naujan, San Teodoro, at Victoria sa Oriental Mindoro; Sablayan, San Jose, at Santa Cruz sa Occidental Mindoro