Balangáw

 

Balangáw

          Ang Balangáw ay ang wika ng mga katutubong Balangáw na naninirahan sa siyam na barangay ng bayan ng Natonin, Mountain Province. Tinatawag din ang wikang ito na Binalangáw o Finalangáw, hábang kilalá rin ang grupo sa tawag na Inatónin o Ifalangáw. 

          Balangáw ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Balangáw. Bagaman may pagkakaiba sa paraan ng pagbigkas ng mga katutubong naninirahan sa kanlurang bahagi at gitnang bahagi ng Natonin, iisa lámang ang wikang Balangáw na ginagamit ng grupo. Bukod dito, gumagamit din silá ng wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Natututo rin ang mga batà ng Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika

Balangáw

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Balangao, Farangao

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Balangáw

Sigla ng Wika

Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) 

Klasipikasyon

Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Central Cordilleran, Nuclear

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Populasyon

15,681 (NSO 2010 CAR)  

Lokasyon

Natonin, Mountain Province   

Sistema ng Pagsulat

Iba pang Talâ

Responses