Bláan

 

Bláan

          Ang Bláan ay ang wika ng grupong Bláan na matatagpuan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Sarangani, at Timog Cotabato. Nahahati ang grupo ayon sa lugar na kanilang tinitirahan: ang mga Bláan Mohen na nakatirá sa baybáying dagat; ang mga Bláan Bulol na nása bukid; at ang mga Bláan Lagëd na nakatirá sa paligid ng mga batis.

          Bukod sa mga Bláan, naninirahan din sa lugar ang grupo ng mga Bisayà, Ilónggo, Ilokáno, at Tëduray. Kayâ naman, bukod sa kanilang katutubong wika, hindi maiwasang matutuhan din ng mga Bláan ang wika ng mga grupong ito lalo na ang wikang Ilokáno, Hiligaynón, at Bisayà. Sinasalita rin nilá ang Filipíno at Inglés na natututuhan ng mga batàng Bláan sa paaralan.

Pangalan ng Wika

Bláan

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Bláan

Sigla ng Wika

Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)

Klasipikasyon

Bilic, Tiboli-Bláan

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Populasyon

205,193 (NSO R-XII, R-X)

Lokasyon

Davao del Sur, Sultan Kudarat, Sarangani, at Timog Cotabato

Sistema ng Pagsulat

Iba pang Talâ

Responses