Ang Bláan ay ang wika ng grupong Bláan na matatagpuan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Sarangani, at Timog Cotabato. Nahahati ang grupo ayon sa lugar na kanilang tinitirhan: ang mga Bláan Mohen na nakatirá sa baybáying dagat; ang mga Bláan Bulol na nása bukid; at ang mga Bláan Lagëd na nakatirá sa paligid ng mga batis.
Bukod sa mga Bláan, naninirahan rin sa lugar ang grupo ng mga Bisayà, Ilónggo, Ilokáno, at Tëduray. Kayâ naman bukod sa kanilang katutubong wika, hindi maiwasang matutuhan rin ng mga Bláan ang wika ng mga grupong ito lalo na ang wikang Ilokáno, Hiligaynón, at Bisayà. Sinasalita rin nilá ang Filipíno at Inglés na natututuhan ng mga batàng Bláan sa paaralan.
1. Pangalan ng Wika
Bláan
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Bláan
4. Sigla ng Wika
Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Bilic, Tiboli-Bláan
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon
205,193 (NSO R-XII, R-X)
8. Lokasyon
mga lalawigan ng Davao del Sur, Sultan Kudarat, Sarangani, at Timog Cotabato