Finontók
Finontók
Ang Finontók ay ang wika ng grupong Ifontók na naninirahan sa bayan ng Bontoc, Mountain Province, partikular sa mga barangay ng Dalican, Guina-ang, Mainit, Maligcong, Samoki, Tocucan, at Talubin.
Sa Bontoc, kapansin-pansin na ang mga katutubong Ifontók ay nakatirá sa mas mataas na bahagi ng bayan at tíla nakahiwalay sa modernong komunidad na binuo ng mga Amerikano noon. Isa ito sa mga posibleng dahilan kung bakit napanatili ng mga Ifontók ang kanilang wika at sa kasalukuyan ay mas ginagamit pa rin kaysa sa wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Sa katunayan, sinasalita ng mga Ifontók ang wikang Ilokáno sa tono o puntong Finontók.
Tulad rin ng maraming grupo, edukasyon, eksposyur sa midya, at pakikisalamuha sa ibang pangkating etniko at mga dayo ang nagdalá ng impluwensiya ng ibang wika tulad ng Filipíno at Inglés sa komunidad ng mga Ifontók.
Pangalan ng Wika |
Finontók |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) |
Bontók |
Pangkat na Gumagamit ng Wika |
Ifontók |
Sigla ng Wika |
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon |
Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Central Cordilleran, Nuclear Cordilleran, Bontok-Kankanay, Bontok |
Mga Kilalang Wikain (dialects) |
|
Populasyon |
51,330 (NSO 2010 CAR) |
Lokasyon |
Bgy. Samoki,Tocucan, Talubin, Guina-ang, Dalican, Maligcong, at Mainit, Bontok, Mountain Province |
Sistema ng Pagsulat |
Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses