Ibanág

 

Ibanág

          Ibanág ang tawag sa wika ng grupong Ibanág na naninirahan sa lalawigan ng Cagayan at Isabela. 

          May apat na varayti ng wikang Ibanág: (1) ang Ibanág na sinasalita sa Pamplona, Abulug, Aparri, Camalaniugan, at Lallo sa Hilagang Cagayan na itinuturing na tahanan ng mga unang Ibanág; (2) ang Ibanág na sinasalita sa Lungsod Tuguegarao at mga karatig nitó; (3) ang Ibanág na sinasalita sa San Pablo, Cabagan, at Santa Maria sa Hilagang Isabela; at (4) ang Ibanág na sinasalita sa Tumawini, Ilagan, at Gamu sa Timog Isabela.

          Pangkaraniwan nang ginagamit ng mga Ibanag ang mga tunog na [f], [v], at [z] na wala sa halos lahat ng mga wika sa Pilipinas.

Pangalan ng Wika Ibanág
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Ybanag, Ibanak
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ibanág
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Ibaganic
Mga Kilalang Wikain (dialects)

Hilagang Cagayan

Lungsod Tuguegarao

Hilagang Isabela

Timog Isabela

Populasyon

328,097 (NSO 2010  R-II)

14.05 %  ng kabuoang bilang ng pamilya 

 (2015 PSA Isabela) KWF LEF 2018

Lokasyon Mga bayan ng  Ilagan, Tumauini, Cabagan, Sta. Maria, Sto. Tomas, San Pablo, at Cauayan lalawigan ng Isabela; Cagayan
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses