Inabaknón

 

Inabaknón

          Ang Inabaknón ay ang wika ng mga Kapulényo sa isla ng Capul sa Samar. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Abaknón, Sáma, at Minuslím. 

          Masigla at mabisang ginagamit ang wikang Inabaknón sa iba’t ibang larang tulad sa relihiyon at kalakalan. Ang 14,000 na Abaknôn ay multilingguwal at marunong din ng wikang Filipíno, Inglés, Waráy, Bíkol, at Sebwáno.

Pangalan ng Wika Inabaknón
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Abaknon, Abaknon Sama, Capuleño
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kapulenyo, Capuleño, o Abaknón
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Samalan
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 14,000 (KWF 2014 R-VIII)
Lokasyon Capul, Hilagang Samar
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses