Kabalianon
Kabalianon
Kabaliánon ang tawag sa wika ng mga katutubong Kabaliánon na naninirahan sa ilang komunidad sa bayan ng San Juan sa Katimugang Leyte.
Bukod sa kanilang katutubong wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Kabaliánon ng Sebwáno na rehiyonal na wika sa lugar. Marunong din silá ng wikang Filipíno at Inglés, na kasabay ng Sebwáno ay ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Kabaliánon |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Kinabalian |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kabaliánon |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippines, Central Philippines, Bisayan, Central, Warayan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 12,679 (NSO 2015 San Juan, Katimugang Leyte) |
Lokasyon | San Juan, Katimugang Leyte |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses