Kalamyanën
Kalamyánën
Ang Kalamyánën ay ang wika ng grupong Kalamyánën na naninirahan sa bayan ng Busuanga, Linapacan, Culion, at Coron—mga pulông bumubuo sa Isla ng Calamian, Palawan.
Bukod sa kanilang katutubong wika, marunong din ang mga Kalamyánën ng wikang Tagálog na lingua franca sa kanilang lugar. Natututo rin silá ng Filipíno at Inglés na natututuhan nilá mula sa eskuwelahan at sa eksposyur sa midya.
Pangalan ng Wika | Kalamyanën |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kalamyanën |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Austronesian, Malayo-Polynesian, mga wikang Meso-Pilipínas, mga wikang Hilagang Paláwan, Kalamyánën |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 4,118 (NSO 2010 R-IVB) |
Lokasyon | Busuanga, Linapacan, Culion, at Coron sa lalawigan ng Palawan |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses