Kinarol-an
Kinarol-an
Kinarol-an ang tawag sa katutubong wika ng mga Karolano. Matatagpuan ang pangkat na sinasabing nagsasalita nitó sa Brgy. Carol-an, Kabankalan, Negros Occidental.
Nása kalagayang malubhang nanganganib o critically endangered ang wikang ito sa kabila ng malaki nilang populasyon sapagkat iilang miyembro na lámang ang nagsasalita nitó sa komunidad. Sinasalita o ginagamit lang din ito sa mga seremonya o ritwal sa komunidad ngunit hindi sa pang-araw-araw na gawain at komunikasyon.
Hiligaynon at Sebwano ang wikang ginagamit sa loob ng paaralan at tahanan. Ito rin ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Karolano. Maging ang nakararaming matatanda sa kanilang komunidad ay hindi na rin marunong magsalita ng Kinaról-an. Marami sa mga katutubong Karolano ang hindi alintana ang nanganganib na kalagayan ng kanilang wika at hindi mababakás sa kanilang mga mukha ang pag-aalala na maaari nang mawala ang kanilang wika.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2017
Pangalan ng Wika | Kinaról-an |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Kinaraán |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Karoláno |
Sigla ng Wika | Malubhang Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 7,856 indibidwal (Barangay profile noong 2017) |
Lokasyon | Brgy. Carol-an, Lungsod Kabankalan, Negros Occidental |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses