Mandayá
Mandayá
Ang Mandayá ay ang wika ng grupong Mandayá na naninirahan sa mga bayan ng Boston, Baganga, Manay, Mati, Governor Generoso, Banay-banay, Caraga, Cateel, at Monkayo sa lalawigan ng Davao Oriental; New Bataan, Davao del Norte; at Tago, Surigao del Sur.
Binisayâng Mindanáw ang rehiyonal na wika sa Davao Oriental. Kayâ naman ang mga varayti ng wikang Mandayá na Mandayá Karága at Mandayá Katiiláno ay kapuwa pinaghalong Mandayá at Binisayâng Mindanáw. Bukod sa mga ito, natututuhan din ng mga Mandayá ang Filipíno at Inglés, lalo na ng mga nása paaralan at ng mga nakatirá sa sentro..
Pangalan ng Wika | Mandayá |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Davawenyo |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Mandayá |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Mansakan, Eastern |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Mandayá Karága, Mandayá Katiiláno |
Populasyon | 298,605 (NSO 2010 R-XI, R-XIII) |
Lokasyon | Boston, Baganga, Manay, Mati, Gov. Generoso, Banay-banay, Caraga, Cateel, at Monkayo sa lalawigan ng Davao Oriental; New Bataan, Davao del Norte; at Tago, Surigao del Sur |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Mga Varayti Wikang Mandayá
Mandayá Katiiláno
Sinasalita ang varayting itó sa bayan ng Cateel, Davao Oriental.
Mandayá Karága
Ito ang varayti ng wikang Mandayá na sinasalita ng humigit-kumulang 75% ng populasyon ng bayan ng Caraga, Davao Oriental.
Responses