Manóbo Agúsan
Manóbo Agúsan
Manóbo Agúsan ang tawag sa wika ng mga katutubong Manóbo Agúsan na naninirahan sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Agusan del Norte, at Surigao del Sur, gayundin sa ilang bahagi ng lalawigan ng Bukidnon at Davao del Norte.
Bukod sa kanilang katutubong wika, nakapagsasalita at nakaiintindi rin ang mga Manóbo Agúsan ng Binisayâng Mindanáw, Filipíno, at Inglés. Natututuhan nilá ang Binisayâng Mindanáw mula sa mga Bisayàng kanilang nakasasalamuha samantálang ang Filipíno at Inglés naman ay natututuhan nilá sa eskuwelahan.
Pangalan ng Wika | Manóbo Agúsan |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Agúsan Manóbo |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Manóbo Agúsan |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, Central, East |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Raha Kabunsuwán |
Populasyon | Walang tiyak na bilang, maaaring nakasáma sa pangkalahatang bílang ng mga Manobo sa census ng NSO 2010 |
Lokasyon | Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses