Manóbo Ilyánen
Manóbo Ilyánen
Manóbo Ilyánen ang tawag sa wika ng mga katutubong Manóbo Ilyánen na naninirahan sa mga bayan ng Pikit, Aleosan, Midsayap, Libungan, Pigkawayan, Alamada, Banisilan, Carmen, President Roxas, Antipas, Arakan, Matalam, at Kabaca sa lalawigan ng Cotabato. Arakan, Livungaen, at Pulangiyan ang mga kilaláng diyalekto ng wikang ito.
Bukod sa Manóbo Ilyánen, marunong ding magsalita ang mga katutubo ng Binisayâng Mindanáw, Filipíno, at Inglés. Natututuhan nilá ang Binisayâng Mindanáw mula sa pakikihalubilo sa ibang grupo hábang natututuhan naman nilá ang Filipíno at Inglés bílang asignatura at mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Manóbo Ilyánen |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Manóbo Ilyánen |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, Central, West |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Arakan, Livungaen, at Pulangiyan |
Populasyon | 1,992 (NS 2010 R-XII) |
Lokasyon | Bayan ng Pikit, Aleosan, Midsayap, Libungan, Pigkawayan, Alamada, Banisilan, Carmen, Pres. Roxas, Antipas, Arakan, Matalam, Kabaca sa lalawigan ng Cotabato |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses