Aklánon
Aklánon
Aklánon ang tawag sa wika ng grupong Aklánon na naninirahan sa lalawigan ng Aklan. May ilan ding nagsasalita nitó sa lalawigan ng Palawan, tulad sa bayan ng El Nido at sa ilang bahagi ng mga bayan ng Narra, Quezon, Roxas, at Sofronio Española.
Bukod sa kanilang katutubong wika, may ilan ring Aklánon na nakaiintindi at nakapagsasalita ng wika ng mga kalapit na grupo tulad ng Áti, Malaynón, at Hiligaynón.
Pangalan ng Wika | Aklánon |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Aklan, Akeanon |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Aklanon |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 502,694 (NSO 2010 R-VI & R-IV-B) |
Lokasyon | El Nido, Narra, Quezon, Roxas, at Sofronio Española sa Palawan; Altavas, Balete, Banga, Batan, Buruanga, Ibajay, Kalibo, Lezo, Libacao, Madalag, Makato, Malay, Malinao, Nabas, New Washington, Numancia, at Tangalan sa Aklan |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses