Aklánon ang tawag sa wika ng grupong Aklánon na naninirahan sa lalawigan ng Aklan. May ilan ding nagsasalita nitó sa lalawigan ng Palawan, tulad halimbawa sa bayan ng El Nido at sa ilang bahagi ng mga bayan ng Narra, Quezon, Roxas, at Sofronio Española.
Bukod sa kanilang katutubong wika, may ilan ring Aklánon na nakaiintindi at nakapagsasalita ng wika ng mga kalapit na grupo tulad ng Áti, Malaynón, at Hiligaynón.
1. Pangalan ng Wika
Aklánon
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Aklan, Akeanon
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Aklanon
4. Sigla ng Wika
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon
502,694 (NSO 2010 R-VI & R-IV-B)
8. Lokasyon
El Nido, Narra, Quezon, Roxas, at Sofronio Española sa Palawan; Altavas, Balete, Banga, Batan, Buruanga, Ibajay, Kalibo, Lezo, Libacao, Madalag, Makato, Malay, Malinao, Nabas, New Washington, Numancia, at Tangalan sa Aklan