Ang Árta ay ang wika ng grupong Árta na naninirahan sa ilang bahagi ng bayan ng Nagtipunan, partikular sa Disimungal, sa lalawigan ng Quirino. Maliban sa Árta ay kilalá rin ang grupo sa tawag na Agtâ.
Sa kasalukuyan, hindi na naituturo ang wikang Árta sa mga nakababatàng miyembro ng komunidad. Sa katunayan, mayroon na lámang 11 Árta na nakapagsasalita ng wikang Árta, at karamihan sa kanila ay nása 50 taóng gulang pataas. Dahil dito, at sa patúloy na paggamit ng ibang maimpluwensiyang wika sa lugar tulad ng Agtâ at Ilokáno, nanganganib nang tuluyang mawala ang wikang Árta.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2015