Áyta Mag-ántsi

 

Áyta Mag-ántsi

          Áyta Mag-ántsi ang tawag sa wika ng grupong Áyta Mag-ántsi na naninirahan sa bayan ng Capas, Tarlac, partikular sa Sitio Flora sa Barangay Cut-Cut II; Sitio Binyayan sa Barangay O’ Donnel; Sitio Tarukan sa Barangay Maruglo; at Sitio Pilien sa Barangay Santa Juliana. Ginagamit din ito sa ilang bahagi ng Palayan, Nueva Ecija; Sitio Kanaynayan at Barangay Balaybay sa bayan ng Castillejos, Zambales; at sa Lungsod Olongapo, Zambales. Kilalá rin ang grupong ito sa tawag na Pagmimiha. 

          Áyta Mag-ántsi ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Áyta Mag-ántsi hanggang sa mag-umipsa siláng mag-aral—na karaniwang edad ay sampu pataas—at matuto ng ibang wika. Dito at sa labas ng komunidad nilá natututuhan ang wika ng mga kalapit na grupo tulad ng Tagálog, Ilokáno, Kapampángan, at Sambál. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Áyta Mag-ántsi
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Ayta Mag-anchi
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ayta Mag-antsi
Sigla ng Wika Tiyak na Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Central Luzon, Sambalic
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 1,786 katao (KWF 2018; NCIP 2016-2017)
Lokasyon Capas, Tarlac; Lungsod Angeles; San Marcelino, Zambales
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses