Finallíg
Finallíg
Finallíg ang tawag sa wika ng ng mga katutubong Ifyallíg na naninirahan sa bayan ng Barlig sa lalawigan ng Mountain Province. Kilalá rin ang mga Ifyallíg na Ibarlíg hábang tinatawag din ang kanilang wika na Barlíg.
Ang Barlig ay nahahati sa tatlong bahagi: ang Barlig Proper; Lias, Barlig, at Kadaclan, Barlig. Sa ganitong pagkakahati umusbong ang tatlong varayti ng Finállig na sinasalita sa mga nasabing lugar: ang Barlig Proper, Liniyas, at Kadaklan. Bukod sa mga varayting ito ay nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Ifyallíg ng wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon, at Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika | Finallíg |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Eastern Bontóc |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Ifyallíg |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Central Cordilleran, Nuclear Cordilleran, Bontok-Kankanay |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Kadaklán, Liniyás |
Populasyon | 4,787 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 409 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Barlig, Mountain Province |
Sistema ng Pagsulat | Brgy. Lingoy, Brgy. Latang, Brgy. Macalana, Brgy. Fiangtin, at Brgy. Lias sa Barlig, Mountain Province |
Iba pang Talâ |
Responses