Iranun

 

Iranun

          Ang Iránun ay ang wika ng grupong Iránun na naninirahan sa lalawigan ng Maguindanao, Hilagang Cotabato, Timog Cotabato, Sultan Kudarat, Zamboanga del Sur, at Bukidnon. May mga Iránun ding matatagpuan sa mga baybáyin ng Look Illana na bahagi ng Dagat Celebes. 

          Ang Iránun ay bahagi ng subfamily ng wikang Danáw na binubuo ng Mëranaw at Magindanáwon. Liban sa Pilipinas, sinasalita rin ang wikang ito sa halos lahat ng bahagi ng Kota Belud at sa ilang lugar sa Lahad Datu sa Sabah, Malaysia.

          Bukod sa Iránun, nakapagsasalita rin ang mga katutubong Iránun ng Chabacano, Mëranáw, Málay, Filipíno, at Inglés.

Pangalan ng Wika Iránun 
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Iranon, Ilanun, Illanun
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Iránun 
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Danao, Maranao-Iranun 
Mga Kilalang Wikain (dialects) Iranon, Ilanun, Illanon  
Populasyon 243, 431 (NSO 2010 R-IX, X, XII, ARMM) 
Lokasyon

Maguindanao, Hilagang Cotabato, Timog

Timog Cotabato, Sultan Kudarat, Bukidnon, 

at Zamboanga del Sur. 

Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses