Irungdungan
Irungdungan
Ang Irungdúngan ay ang wika ng mga katutubong Agtâ Isirígan—isa sa tatlong grupo ng mga Agtâ na naninirahan sa lalawigan ng Cagayan. Matatagpuan silá partikular sa Annip, Rizal; Pamplona; Sanchez Mira; Ballesteros; Claveria; Allacapan; Lasam; at Abulug.
Mataas ang pagtingin ng mga Agtâ Isirígan sa kanilang wika. Patunay riyan ang paggamit nilá nitó sa loob ng tahanan at sa kanilang komunidad. Irungdúngan ang wikang unang natututuhan ng mga batàng Agtâ Isirígan, kasunod ang Ilokáno na lingua franca sa kanilang lugar. Natututuhan din nilá ang wika ng mga karatig na grupo tulad ng Itáwit at Malawég. Pagtuntong sa paaralan, natutuhan naman nilá ang mga wikang panturong Filipíno at Inglés.
Pangalan ng Wika | Irungdúngan |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Agta Isirigan |
Sigla ng Wika | Tiyak na Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Agta Isirigan |
Populasyon | Walang datos, naisama ang bilang nila sa ibang Agta sa lugar |
Lokasyon | Annip, Rizal, Pamplona, Sanchez Mira, Ballesteros, Claveria, Allacapan, Lasam, at Abulug, Cagayan |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses