Isnëg
Isnëg
Isnë́g ang tawag sa wika ng mga Isnëg na naninirahan sa bundok ng Apayao, partikular sa mga bayan ng Calanasan, Kabugao, Conner, Luna, at Pudtol. May ilan ding maliliit na komunidad sa ilang bayan ng Ilocos Norte at Cagayan ang gumagamit ng wikang ito.
Ilokáno ang rehiyonal na wika sa Apayao kayâ karamihan sa mga Isnëg ay marunong ng wikang ito. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés pagtuntong sa paaralan bagaman maliit na porsiyento lámang sa kanila ang pormal na nakapag-aaral.
Pangalan ng Wika | Isnë́g |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Apayao, Isnëg, Maragat |
Pangkat na gumagamit ng wika | Apayao, Isnëg , Maragat |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Austronesian, Malayo-Polynesian, mga wikang Hilagang Pilipínas, mga wikang Kordilyéra, mga wikang Hilagang Kordilyéra, Isnëg |
Mga kilalang wikain (dialects) | Calanasan, Kabugao |
Populasyon | 43, 085 (NSO 2010 CAR, R-1, R-2) |
Lokasyon |
bayan ng Calanasan, Kabugao, Conner, Luna, at Pudtol, lalawigan ng Apayao; bayan ng Claveria at Santa Praxedes, lalawigan ng Cagayan; lalawigan ng Ilocos Norte, La Union, at Abra. |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang talâ |
Responses