Itnëg

Itnëg ang tawag sa wika ng mga Itnëg na matatagpuan sa halos lahat ng bayan ng Abra at sa ilang bahagi ng lalawigan ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, at Isabela. Kilalá rin angmga Itnëg sa tawag na Tinggían. 

Itnëg ang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Itnëg. Sa labas ng kanilang komunidad ay natututuhan naman nilá ang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Ang Filipíno at Inglés naman ay natututuhan nilá sa paaralan. 

Mga Varayti ng Wikang Itnëg

Adasen 

Ito ang varayti ng Itnëg na sinasalita sa hilagang bahagi ng Abra partikular sa mga bayan ng Tineg, Lagayan, Lagangilang, at Lacub. 

Banaw 

Sinasalita ang varayting ito sa Malibcong, Abra, partikular sa barangay Taripan, Duldulao, Gacab, Buanao, Lat-ey, Mataragan, Bayabas, at Dulao; gayundin sa bayan ng Daguioman. Ang mga nasabing lugar ay malápit sa lalawigan ng Kalinga kung kayâ’t malapít ang varayting ito sa ilang wika sa Kalinga. 

Inlaud 

Ang varayting ito ang may pinakamalaking bílang ng gumagamit. Sinasalita ito sa bayan ng Lagangilang, Penarrubia, Danglas, La Pas, Langiden, Bucay, San Quintin, Lagayan, at San Juan. 

Maeng 

Ito ang varayti ng Itnëg na sinasalita sa mga bayan ng Luba, Tubo, Villaviciosa, at Manabo sa Abra. 

Masadiit 

Sinasalita ang varayting ito ng humigit-kumulang 1,000 Itnëg sa Bucloc, Sallapadan, at Boliney sa silangang bahagi ng Abra. 

Mayodan 

Ang varayting ito ay sinasalita sa bayan ng Manabo at sa ilang bahagi ng Boliney.

1. Pangalan ng Wika Itnë́g
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names) Tinguian
3. Pangkat na gumagamit ng wika Itnë́g
4. Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South-Central Cordilleran, Central Cordilleran, North Central Cordilleran, Kalinga-Itneg
6. Mga kilalang wikain (dialects) Adasen, Banaw, Inlaud, Maeng, Masadiit, Mayodan
7. Populasyon 88,451 (NSO 2010 CAR, R-I, R-II)
8. Lokasyon Abra, ilang bahagi ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, at Isabela
9. Sistema ng Pagsulat Latin-based/Alpabeto
10. Iba pang talâ

Mga Pag-aaral ng KWF

KWF Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng Pilipinas 2021

Para sa mga komento at suhestiyon, maaaring mag-email sa kwf.repositoryo@gmail.com

KINAKAILANGANG MAGPA-REGISTER

Upang maakses ang tampok na ito ng website, kinakailangang magrehistro upang magkaroon ng akawnt. 

May restriksiyon