Kinarol-an

Kinarol-an

          Kinarol-an ang tawag sa katutubong wika ng mga Karolano. Matatagpuan ang pangkat na sinasabing nagsasalita nitó sa Brgy. Carol-an, Kabankalan, Negros Occidental. 

          Nása kalagayang malubhang nanganganib o critically endangered ang wikang ito sa kabila ng malaki nilang populasyon sapagkat iilang miyembro na lámang ang nagsasalita nitó sa komunidad. Sinasalita o ginagamit lang din ito sa mga seremonya o ritwal sa komunidad ngunit hindi sa pang-araw-araw na gawain at komunikasyon.

          Hiligaynon at Sebwano ang wikang ginagamit sa loob ng paaralan at tahanan. Ito rin ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Karolano. Maging ang nakararaming matatanda sa kanilang komunidad ay hindi na rin marunong magsalita ng Kinaról-an. Marami sa mga katutubong Karolano ang hindi alintana ang nanganganib na kalagayan ng kanilang wika at hindi mababakás sa kanilang mga mukha ang pag-aalala na maaari nang mawala ang kanilang wika.*

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2017

Pangalan ng Wika Kinaról-an
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Kinaraán
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Karoláno 
Sigla ng Wika Malubhang Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 7,856 indibidwal (Barangay profile noong 2017)
Lokasyon Brgy. Carol-an, Lungsod Kabankalan, Negros Occidental                                                     
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses