Manidé

Manidé

          Ang Manidé ay ang wika sinasalita ng mga Kabíhug—isang grupo ng mga Agtâ na naninirahan sa Camarines Norte, partikular sa barangay Abatuhan, Malaya, at Bagong Silang sa bayan ng Labo; Barangay San Lorenzo sa bayan ng Santa Elena; Barangay San Jose at Osmeña Tamisan sa bayan ng Jose Panganiban; Barangay Capacuan at Pinagbirayan sa bayan ng Paracale; at sa Barangay Alayao sa bayan ng Capalonga. Kilalá rin silá sa mga tagalabas sa tawag na Abiyan.

          Matatagpuan sa mga bayan ng Santa Elena at Labo, Camarines Norte ang pinakamalaking bílang ng mga gumagamit ng wikang Manidé. Bukod sa kanilang sariling wika, nakauunawa at nakapagsasalita rin ang mga Kabíhug ng Tagálog at Bíkol—mga wikang sinasalita sa mga karatig-pook at sa kalakhang Bicol. 

Pangalan ng Wika Manidé
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Abiyan, Agta Camarines Norte
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kabihug
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Manide-Alabat
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 2,000  (Ricky Noblesala, Tribal Chieftain, Cam. Norte; Manila Times 2017)
Lokasyon Labo, Sta. Elena, Jose Panganiban, Paracale, at Capalonga, Camarines Norte
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses