Manidé

Ang Manidé ay ang wika sinasalita ng mga Kabíhug—isang grupo ng mga Agtâ na naninirahan sa Camarines Norte, partikular sa barangay Abatuhan, Malaya, at Bagong Silang sa bayan ng Labo; Barangay San Lorenzo sa bayan ng Santa Elena; Barangay San Jose at Osmeña Tamisan sa bayan ng Jose Panganiban; Barangay Capacuan at Pinagbirayan sa bayan ng Paracale; at sa Barangay Alayao sa bayan ng Capalonga. Kilalá rin silá sa mga tagalabas sa tawag na Abiyan. 

 

Matatagpuan sa mga bayan ng Santa Elena at Labo, Camarines Norte ang pinakamalaking bílang ng mga gumagamit ng wikang Manidé. Bukod sa kanilang sariling wika, nakauunawa at nakapagsasalita rin ang mga Kabíhug ng Tagálog at Bíkol—mga wikang sinasalita sa mga karatig-pook at sa kalakhang Bicol.

1. Pangalan ng Wika Manidé
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names) Abiyan, Agta Camarines Norte
3. Pangkat na gumagamit ng wika Kabihug
4. Sigla ng Wika Ligtas
5. Klasipikasyon Manide-Alabat
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon 2,000 (Ricky Noblesala, Tribal Chieftain, Cam. Norte; Manila Times 2017)
8. Lokasyon Labo, Sta. Elena, Jose Panganiban, Paracale, at Capalonga, Camarines Norte
9. Sistema ng Pagsulat
10. Iba pang talâ

Mga Pag-aaral ng KWF

KWF Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng Pilipinas 2021

Para sa mga komento at suhestiyon, maaaring mag-email sa kwf.repositoryo@gmail.com

KINAKAILANGANG MAGPA-REGISTER

Upang maakses ang tampok na ito ng website, kinakailangang magrehistro upang magkaroon ng akawnt. 

May restriksiyon