Manóbo Arománën
Manóbo Arománën
Manóbo Arománën ang tawag sa wika at grupo ng mga Manóbo na naninirahan sa mga bayan ng Carmen, Libungan, Midsayap, Pikit, Banisilan, Matalam, Kabacan, President Roxas, Pigcawayan, Libungan, at Alamada sa Hilagang Cotabato.
Iilang Manóbo Arománën na lámang ang nanatiling monolingguwal, at ito ay ang nakatatandang henerasyon na patúloy pa ring nabubúhay sa mga liblib na lugar ng rehiyon at hindi naaabot ng mga wika ng mga kalapit na grupong etnolingguwistiko tulad ng Magindanáwon sa hilaga, Mëranáw sa timog, Mënuvú Úbo sa silangan, Manóbo Matigsálug sa kanluran, Ilónggo, at Ilokáno.
Ang kasalukuyan at nakabábatàng henerasyon naman ay nakaiintindi at nakapagsasalita, bukod pa sa mga wika ng mga kalapit na grupo, ng Binisayâng Mindanáw, Hiligaynón, at Filipino. Ang mga nakapag-aaral ay natututo na rin ng wikang Inglés.
Pangalan ng Wika | Manóbo Arománën |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Manóbo Arománën |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 5,714 (NSO 2010 R-XII) |
Lokasyon | Hilagang Cotabato (bayan ng Carmen, Libungan, Midsayap, Pikit, Banisilan, Matalam, Kabacan, Pres. Roxas, Pigcawayan, Libungan, at Alamada) |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses