Manóbo Dibabawón

Manóbo Dibabawón

          Ang Manóbo Dibabawón ang wikang sinasalita ng grupong Manóbo Dibabawón na matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng Davao del Norte, partikular sa bayan sa Asuncion (Saug), Davao del Norte, at sa mga bayan ng Monkayo, Laak, at Montevista sa Compostela Valley.

          Bukod sa kanilang katutubong wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Manóbo Dibabawón ng Binisayâng Mindanáw at Mansáka dahil sa pakikisalamuha nilá sa mga grupong ito. Natututuhan naman nilá ang Filipíno at Inglés sa eskuwelahan. 

Pangalan ng Wika Manóbo Dibabawón
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Dibabawón
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Manóbo Dibabawón
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, Central, East 
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 28,165 (NSO 2010 R-XI)
Lokasyon Hilagang-silangang bahagi ng Davao del Norte sa Asuncion (Saug) at sa mga bayan ng Monkayo, Laak, at Montevista sa Compostela Valley
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses