Ang Manóbo Dibabawón ang wikang sinasalita ng grupong Manóbo Dibabawón na matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng Davao del Norte, partikular sa bayan sa Asuncion (Saug), Davao del Norte, at sa mga bayan ng Monkayo, Laak, at Montevista sa Compostela Valley.
Bukod sa kanilang katutubong wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Manóbo Dibabawón ng Binisayâng Mindanáw at Mansáka dahil sa pakikisalamuha nilá sa mga grupong ito. Natututuhan naman nilá ang Filipíno at Inglés sa eskuwelahan.
1. Pangalan ng Wika
Manóbo Dibabawón
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Dibabawón
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Manóbo Dibabawón
4. Sigla ng Wika
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Greater Central Philippine, Manobo, Central, East
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon
28,165 (NSO 2010 R-XI)
8. Lokasyon
Hilagang-silangang bahagi ng Davao del Norte sa Asuncion (Saug) at sa mga bayan ng Monkayo, Laak, at Montevista sa Compostela Valley