Masbatényo

Masbatényo

          Ang Masbatényo ay ang wikang sinasalita ng mga Masbatényo at iba pang grupo sa halos buong lalawigan ng Masbate maliban sa mga bayan sa timog-kanlurang bahagi ng lalawigan na isang varayti ng Sebwáno ang sinasalita, ang Masbatényong Binisayâ.

          Dahil binubuo ng tatlong isla ang lalawigan ng Masbate—ang Burias, Masbate, at Ticao—umusbong ang tatlong varayti ng wikang Masbatényo na sinasalita sa bawat pulo. Bukod sa mga varayting ito, sinasalita rin sa lalawigan ang Bíkol, Waráy, Hiligaynón, Filipíno, at Inglés.

Pangalan ng Wika Masbatényo
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Minasbate, Masbateño
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Masbatényo
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, Central, Perpheral
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 892,393  (PSA 2015 Masbate) LEF 2018 552,603 (NSO 2010 R-V)
Lokasyon Masbate
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses