Ang Balangáw ay ang wika ng mga katutubong Balangáw na naninirahan sa siyam na barangay ng bayan ng Natonin, Mountain Province. Tinatawag rin ang wikang ito na Binalangáw o Finalangáw, hábang kilalá rin ang grupo sa tawag na Inatónin o Ifalangáw.
Balangáw ang unang wikang natututuhan ng mga batang Balangáw, at bagaman may pagkakaiba sa paraan ng pagbigkas ng mga katutubong naninirahan sa kanlurang bahagi at gitnang bahagi ng Natonin, iisa lámang ang wikang Balangáw na ginagamit ng grupo. Bukod dito, gumagamit din silá ng wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Natututo rin ang mga batà ng Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.
1. Pangalan ng Wika
Balangáw
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Balangao, Farangao
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Balangáw
4. Sigla ng Wika
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Central Cordilleran, Nuclear