Ang Binúkid ay ang wika ng mga katutubong Bukidnón sa bayan ng Manolo Fortich, Valencia, at Malaybalay sa lalawigan ng Bukidnón.
Maliban sa mga katutubong Bukidnón, matatagpuan rin sa lalawigan ang ibang grupo tulad ng mga Tinalaándig, Higaúnon, Ilokáno, Ilónggo, at Sebwáno. Sa mga grupong ito, Sebwáno ang naging maimpluwensiya kung kayâ bukod sa Binúkid, marunong rin ng wikang Bisayà ang mga Bukidnón. Ang kabataan naman, partikular iyong mga nakapag-aaral, ay natututo ng wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
1. Pangalan ng Wika
Binúkid
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Bukidnon
4. Sigla ng Wika
Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Greater Central Philippine, Manobo, North
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon
91,044 (NSO 2010 R-X)
8. Lokasyon
mga bayan ng Manolo Fortich, Valencia, at Malaybalay, Bukidnon