Boînën ang tawag ng mga katutubong Buhînon sa kanilang wikang sinasalita. Matatagpuan silá sa bayan ng Buhî sa lalawigan ng Camarines Sur.
“Ligtas” ang wikang Boînën sapagkat ito ang ginagamit ng lahat ng henerasyon sa loob ng tahanan at sa buong komunidad. Ito rin ang unang wikang natututuhan ng kabataan at ginagamit na rin ngayon sa loob ng paaralan.
Bukod sa wikang Boînën, marunong ang halos lahat ng Buhînon ng wikang Bíkol Rinkonáda at Bíkol. Marunong din ang ilan sa kanila ng Filipíno at Inglés dahil sa pakikisalamuha sa mga dayo at turista sa lugar, at sa midya.
1. Pangalan ng Wika
Boînën
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Buhînon
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Buhînon
4. Sigla ng Wika
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Greater Central Philippine, Central Philippine, Bikol, Inland