Ang Iránun ay ang wika ng grupong Iránun na naninirahan sa lalawigan ng Maguindanao, Hilagang Cotabato, Timog Cotabato, Sultan Kudarat, Zamboanga del Sur, at Bukidnon. May mga Iránun din na matatagpuan sa mga baybáyin ng Look ng Illana na bahagi ng Dagat Celebes.
Ang Iránun ay bahagi ng subfamily ng wikang Danáw na binubuo ng Mëranaw at Magindanáwon. Liban sa Pilipinas, sinasalita rin ang wikang ito sa halos lahat ng bahagi ng Kota Belud at sa ilang lugar sa Lahad Datu sa Sabah, Malaysia.
Bukod sa Iránun, nakapagsasalita rin ang mga katutubong Iránun ng Chabacano, Mëranáw, Málay, Filipíno, at Inglés.
1. Pangalan ng Wika
Iránun
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Iranon, Ilanun, Illanun
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Iránun
4. Sigla ng Wika
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Greater Central Philippine, Danao, Maranao-Iranun
6. Mga kilalang wikain (dialects)
Iranon, Ilanun, Illanon
7. Populasyon
243, 431 (NSO 2010 R-IX, X, XII, ARMM)
8. Lokasyon
Maguindanao, Hilagang Cotabato, Timog
Timog Cotabato, Sultan Kudarat, Bukidnon,
at Zamboanga del Sur.