Kuyunón ang tawag sa wika ng mga Kuyunón na naninirahan sa mga isla ng Cuyo sa Palawan, partikular sa mga bayan ng Agutaya, Araceli, Brooke’s Point, Busuanga, Culion, Cuyo, Dumaran, Linapacan, Magsaysay, Puerto Princesa, Roxas, at San Vicente. Tinatawag rin siláng Kuyunín ng ibang grupo sa Palawan tulad ng mga Tagálog at Bisayà.
Unang natututuhan ng mga batàng Kuyunón ang kanilang katutubong wika. Dahil napaliligiran ng ibang grupo tulad ng mga Sebwáno, Ilónggo, Masbatényo, Agutaynë́n, at Tagálog, hindi maiwasang matutuhan nilá ang wika ng alinman sa mga grupong ito kung kayâ karaniwan na lámang sa kanila ang maging multingguwal. Sa paaralan naman ay natututo at nasasanay silá sa paggamit ng wikang Filipíno at Inglés.
1. Pangalan ng Wika
Kuyunón
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Cuyunon
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Kuyunón
4. Sigla ng Wika
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West, Kuyan
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon
249,513 (NSO 2010 R-IVB)
8. Lokasyon
Agutaya, Cuyo, Dumaran, Linacapan, Magsaysay, Lungsod Puerto Princesa, at El Nido sa Palawan