Filipino Sign Language o FSL ang tawag ng mga Binging Pilipino sa kanilang wika. Isa itong wikang senyas na tinatayang natural na umusbong mula pa noong 1590 sa Dulac, Leyte. Bilang wikang senyas, naiiba at wala itong direktang kaugnayan sa wikang Filipino na isang wikang pasalita.