Finallíg ang tawag sa wika ng ng mga katutubong Ifyallíg na naninirahan sa bayan ng Barlig sa lalawigan ng Mountain Province. Kilala rin ang mga Ifyallíg na Ibarlíg hábang tinatawag rin ang kanilang wika na Barlíg.
Ang Barlig ay nahahati sa tatlong bahagi: ang Barlig Proper; Lias, Barlig, at Kadaclan, Barlig. Sa ganitong pagkakahati umusbong ang tatlong varayti ng Finállig na sinasalita sa mga nasabing lugar: Ang Barlig Proper, Liniyas, at Kadaklan. Bukod sa mga varayting ito ay nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Ifyallíg ng wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon, at Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
1. Pangalan ng Wika
Finallíg
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Eastern Bontoc
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Ifyallig
4. Sigla ng Wika
Ligtas
5. Klasipikasyon
Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Central Cordilleran, Nuclear Cordilleran, Bontok-Kankanay, Bontok