Manóbo Áta
Manóbo Áta
Manóbo Áta ang tawag sa wika ng mga katutubong Manóbo sa Mindanao, partikular ang mga naninirahan sa mga bayan ng Talaingod, Marilog, Paquibato, Panabo, Carmen, Santo Tomas, at Kapalong sa lalawigan ng Davao del Norte. Tinatawag din sa parehong pangalan ang grupo—Manóbo Áta—bagaman kilalá rin silá ng mga tagalabas sa mga pangalang Áta ng Davao, Áta Manóbo, at Langílan.
Napalilibutan ng mga grupong Sebwáno at Mandayá ang lugar ng mga Manóbo Áta kayâ bukod sa kanilang katutubong wika, marunong din silá ng mga wikang Sebwáno, Mandayá, at barayti ng Binisayâng Mindanáw.
Pangalan ng Wika | Manóbo Áta |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Ata ng Davao, Ata Manobo, at Langilan |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Manobo Áta |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, Central, South, Ata-Tigwa |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 21,764 (NSO 2010 R-XI) |
Lokasyon | Bayan ng Talaingod, Marilog, Paquibato, Panabo, Carmen, Sto. Tomas, at Kapalong, Davao del Norte; |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses