Ang Ayta Mag-indi ay wikang sinasalita ng katutubong pangkat ng parehas na pangalan na naninirahan sa kabundukan ng Pampamga at Zambales. Sa kasalukuyan, mayroon nang lupaing ninuno ang mga Ayta Mag-indi sa bayan ng Floridablanca at Porac sa Pampanga.
Tinatayang mayroon pang 519 pamilya/sambahayang Ayta Mag-indi sa buong bansa. Bilang isa sa mga wika ng katutubong pangkat na may maliit na populasyon, ang Ayta Mag-indi ay itinuturing ng KWF na isa sa mga wikang mahalagang mapangalagaan upang hindi ito maglaho.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2016