Maikling Deskripsiyon ng Ortograpiyang Gaddang
Filipino (Tagalog) at English ang wika ng pagtuturo. Sa ganitong kalagayan, walang pagkakataon para sa mga kabataan na matuto sa wika ng kanilang mga magulang. Maging sa pang-araw-araw na pakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan o sinumang nakakasalamuha araw-araw ay Tagalog at may pagkakataon din na English ang kanilang ginagamit, hindi wikang Gaddang. Sa panayam ng mga mananaliksik, inamin nila na mas mahusay siláng magsalita gamit ang Ilokano kaysa wikang Gaddang dahil marami sa kanilang mga kaibigan ay sa Ilokano nagsasalita. Ito ang maliwanag na impluwensiya ng edukasyon at kapaligiran.
Ayon kay Virgilio Enriquez, ama ng Sikolohiyang Pilipino, maiintindihan natin nang lubusan ang isang tao sa pamamagitan ng sikolohiya. Layunin ng sikolohiya na maunawaan ang kalagayan ng isang tao batay sa pagsusuri sa kaniyang wika at kultura na tumatalakay sa kaniyang kamalayan, kaalamang nararanasan, pagkilos sa lipunan, ugali o asal at budhi bílang isang indibidwal (Enriquez, 1975).
Hindi maitatatwa na isa sa pinakamahalaga sa mga nabanggit ay ang pag-aaral ng wika lalo na sa ngayon na balot ang mundo sa makabagong teknolohiya at globalisasyon. Ang wika ay ginagamit sa lahat ng larangan, ito ay lubhang kailangan sa pakikipakapwa tao upang maipahayag ang kaniyang damdamin, maitala ang kaniyang nakaraan at higit sa lahat, maipaabot ang tamang kahulugan ng kaniyang kaisipan.
Sa panayam sa ilang magulang, binanggit nila na sila ay umaayon sa katotohanang napabayaan nilang turuan ang kanilang mga anak sa wika nilang mag-asawa. Dahil sa kawalan ng interes ng mga anak na matuto sa kanilang wika, hindi na rin nila kailanman ipinakilala ito sa kanilang mga anak. Ito ay isang patunay na maaari din na kapabayaan ng mga magulang o sinumang nakatatanda sa pamilya o sa lipunan na may responsibilidad sa pagtuturo ng wika sa mga kabataan ang isa sa mga dahilan kung bakit kulang sa kaalaman ang mga kabataan sa kanilang katutubong wika.
Hindi nila masyadong binigyang-pansin ang pagtuturo sa mga kabataan sa anumang paraan na nararapat. Sabi nila, bagaman masakit sa loob nila na hindi natuto ang kanilang mga anak sa wika nila ay wala siláng magagawa dahil ito ay personal na desisyon ng kanilang mga anak. Gayunman, kung may pagkakataon diumano ay nais pa rin nilang turuan ang kanilang mga anak sa wikang Gaddang para hindi ito mawala sa kanila. Nangangamba diumano sila sa maaaring kahinatnan ng wikang una nilang ginamit sa pakikipag-usap sa kapwa na mawala kung hindi na ito sinasalita ng kanilang mga anak.
Dahil sa nakaligtaan ng ilang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak, kanilang iminumungkahi ang ilang alternatibong paraan para magkaroon ng kaalaman ang kanilang mga anak sa wikang Gaddang. Ilan sa kanilang iminumungkahi ay ang paggamit ng wikang Gaddang sa misa, sa pagdarasal para sa mga patay na kamag-anak at sa tuwing dumadating ang mahal na araw. Isang magandang palatandaan ng kanilang hangarin na mapanatili at maituro sa mga nakababatang henerasyon ang wikang Gaddang.
Sa ibang banda, naniniwala ang ilang mga magulang na malaki ang impluwensiya ng edukasyon sa nararanasang pagbabago ng wikang Gaddang. Karamihan, kundi man lahat sa kanila ay nakapag-aral o nagtapos ng pormal na edukasyon kayâ natuto sila ng ibang wika. Bihasa din siláng makipag-usap gamit ang Ilokano, English at Tagalog. Ang kalagayan nila sa lipunan ang nag-udyok sa kanila na talikuran ang kanilang wika.
Karamihan sa kanila ay propesyunal at hindi nila nakikita ang pangangailangan na magamit ang wikang Gaddang sa akademikong komunikasyon. Isa itong patunay na mainstreamed o nagbago at patuloy na umuunlad ang mga katutubong Gaddang ng Nueva Vizcaya. Aminado naman ang mga magulang na hindi ito maiiwasan dahil sa hindi mapigilang pagdami ng tao, pag-usbong at paglago ng teknolohiya.
Larawan 8. Ang panayam ng mga mananaliksik sa mga magulang sa Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.
Hinggil sa pagtanaw nila sa sariling wika, lumabas sa pag-aaral ni Asuncion (2017) na may iba’t ibang pagtanaw sa sariling wika ang mga katutubong Gaddang depende sa lokasyon nila sa Nueva Vizcaya. Halimbawa, ang mga katutubong Gaddang na nakatira sa barangay ng Villa Coloma sa Bagabag ay may mas mataas na pagkilala o pagtanaw sa wikang Gaddang kumpara sa mga katutubong Gaddang ng San Nicolas sa Bayombong. Para sa grupong ito, ang wikang Gaddang ang nagbubuklod sa kanila bílang pamilya at angkan at matindi rin ang hangarin nilang maituro o maipasa ito sa mga nakababatang henerasyon.
Kaugnay nito, nalaman din sa pag-aaral na may pagkakaiba sa pagkilala sa wikang Gaddang ang mga mas nakababatang respondante (respondent) sa pag-aaral. Ayon sa resulta, mas pinapaboran ng mga batang henerasyon ang paggamit o pagsasalita sa wikang Tagalog kaysa sa wikang Gaddang dahil ito ang mas nagagamit sa kanilang pag-aaral at sa kanilang pakikisalamuha sa araw-araw.
Tanging mga matatanda o grandparent age na lámang ang aktibong gumagamit ng wikang Gaddang. Gayunman, ang pagkatuto nila ng ibang wika ay itinuturing na hindi kalugihan sapagkat ito na ang nadatnan nilang sitwasyon, ang maging multilingual para makasabay sa pagbabago ng panahon. Sa ganitong pagkakataon, hindi maiiwasang magnilay sa maaaring kahihinatnan ng anumang wika, kung walang naturuan na magpapatuloy sa paggamit, maliwanag na posibleng mawala nga ito sa hinaharap.
Sa panayam ng mga mananaliksik sa ilang mga kabataan, inamin nila na totoo na hindi na sila nagsasalita ng wikang Gaddang. Bahagya o kung hindi man ay wala na talaga siláng alam na kahit na simpleng bokabularyo dahil hindi sila naturuan nito noong sila ay mga bata pa. Bagkus, Tagalog o Ilokano ang unang wika na ginagamit nila sa pagsisimula nilang makipag-usap sa mga kapamilya at iba pang tao sa komunidad. Dahil dito, naging hindi pamilyar na wika para sa kanila ang wikang Gaddang. Ika ni Burdaux (2018), isang amerikanong antropologo na nagsisimula ang pagkatuto ng batà sa kaniyang tahanan at karaniwang ina o ama ang unang nagiging guro bago matamo ng batà ang pormal na pag
aaral sa paaralan. Sa pahayag na ito ni Burdaux, maliwanang na malaki nga ang pagkukulang ng mga magulang sa kanilang hindi pagtuturo sa kanilang mga anak ng wika na mas maluwag sana nilang ginagamit sa pakikipag-usap sa ibang tao sa kinamulatang niyang lipunan o komunidad.
Baryasyun sa Wikang Gaddang (Language Variation)
Tulad ng isang tao, ang anumang wika o dayalekto sa buong mundo ay maaaring makaranas ng pagbabago sa bawat paglipas ng panahon. Kung hindi nagbabago ang kayarian, ortograpiya o gramatika, maaaring magbago ang kahulugan ng salita, bigkas at paraan ng pagsulat. Ito ay dulot ng impluwensiya ng iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng wika. Minsan, nagbabago ang wika depende sa paraan, pananaw at pag uugali ng táong gumagamit nito (Toquero, 2009).
Bagaman, sinasabi ng mga dalubhasa sa wika na ang pagbabagong nagaganap sa isang wika ay bahagi ng kaniyang pagiging buhay at dinamiko, ito ay maaaring maging dahilan naman ng pagkakaroon ng baryasyon sa wika. Dahil sa baryasyon, ang mga salita, terminolohiya, katawagan, o tono/tunog ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ng kahulugan na posibleng magdulot ng kalituhan at hindi pagkakaintindihan ng mga gumagamit nito.
Ayon kay Nordquist (2017), ang baryasyun sa wika (linguistic variation) ay tumutukoy sa pagkakaiba ng paggamit sa wika ng mga rehiyonal, pambansa at internasyunal na antas kasama ang sosyal at kontekstuwal na salik. Ang pagkakaiba sa wika, dayalekto at ang paggamit nito ay tinatawag na interspeaker na baryasyun samantalang ang pag-iba ng paraan ng paggamit ng wika o dayalekto ng isang tao ay tinatawag na intraspeaker na basyasyun.
Ang pagkakaroon ng baryasyun sa kahulugan at pagkakagamit ay nagsasabi na ang wikang Gaddang ay nakararanas ng tintawag na interspeaker variation. Ayon kay Hudson (1996), lahat ng wika sa mundo ay maaaring makaranas ng ganitong kalagayan dahil ang wika ay maaaring magkakaiba sa kahulugan batay sa lokasyon, kalagayang sosyal at sitwasyon ng mga gumagamit nito. Idinagdag pa niya na maging ang paraan ng pagbigkas ay nagkakaiba, sapat para sabihin na may nagyayaring baryasyon sa wika.
Dahil umiiral ang isyu ng baryasyon sa wikang Gaddang (language variation), minabuti ng mga mananaliksik na ibalanse ang pagbibigay-kahulugan sa ilang termino na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Binigyang-halaga ng pananaliksik na ito ang pakahulugan ng mga katutubong Gaddang sa bulubunduking bahagi (Highland Gaddang) at ang mga katutubong Gaddang sa patag na lugar (Lowland Gaddang).
Ang grupo ng Highland Gaddang ay mga katutubo na gáling sa Paracelis, Mountain Province, nakapangasawa at nakatira sa Bagabag, Nueva Vizcaya. Ang grupo naman ng
Lowland Gaddang ay mga katutubo na nakatira at naipanganak sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Ang layunin ng paglikom sa dalawang set ng kahulugan ng mga mahahalagang termino ay upang maikumpara ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.
Ang unang set ng wordlist ay ipinsagot sa mga impormante na may edad 70–90 (Lowland Gaddang) sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya at ang pangalawang set ng wordlist ay sinusugan ng mga kababaihang Gaddang na may edad 40–60 (Highland Gaddang) na gáling sa Paracelis, Mt. Province at nakapangasawa at matagal nang naninirahan sa Villa Coloma, Bagabag, Nueva Vizcaya. Tunghayan ang mga talahanayan na naglalaman ng ilang piling katawagan sa English at Filipino na tinumbasan sa wikang Gaddang ng mga impormante na kabilang sa Lowland at Highland Gaddang.
Talahanayan 2. Mga Piling Katawagan ukol sa Pagbibilang
English | Filipino | Lowland Gaddang | Highland Gaddang |
one | isa | tata | tata |
two | dalawa | adwa | adwa |
three | tatlo | tallu | tallu |
four | apat | appat | appat |
five | lima | lima | lima |
six | anim | annam | annam |
seven | pito | pitu | pitu |
eight | walo | walu | walu |
nine | siyam | asyam | asyam |
ten | sampu | tafulo | tafulo |
twenty | dalawampu | adwafulu | adwafulu |
hundred | sandaan | tatut | tatut |
thousand | libo | tarifu | tarifu |
Mapapansin sa itaas na talahanayan na walang pinagkaiba ang pakahulugan ng Highland at Lowland Gaddang pagdating sa pagbibilang. Maging ang bigkas ay parehas lámang.
Talahanayan 3. Mga Salitáng Pangngalan sa Wikang Gaddang
English | Filipino | Lowland Gaddang | Highland Gaddang |
animal (n) | hayop | aggayam | ayam |
boil (n. infection) | pigsa | butali/lattag | butali |
charcoal (n.) | uling | uwing | baggang |
comb (n.) | suklay | tetay | laggud |
cough (n.) | ubo | ikag | ikag |
debt (n.) | utang | gatut | gatut |
dream (n.) | panaginip | tenap | tenap |
dust (n.) | alikabok | girafuk | lafuk |
earth (soil) | lupa | lubag | lubag |
earthquake (n.) | lindol | alunig | alunig |
feather (n.) | balahibo | duddot | duddot |
fence (n.) | bakod | alasang | alasang |
forest | gubat | attung | talon |
fire (n.) | sunog | afuy | sikkul |
husk (n. of rice) | ipa | sissek | sissek |
leaf (n.) | dahon | don | adon |
lime (cao) | apog | afog | afug |
medicine (n.) | gamot | uro | uro |
mountain (n.) | bundok | bakulud | kulud |
mortar (n. rice) | lusong | attong | attung |
mud (n.) | putik | buyon/basaw | luyak |
name (n.) | pangalan | ngan | ngan |
pestle (n.) | pambayo | pabbayu | alog |
plant (n.) | tanim | mula | mula |
poor (n. not rich) | maralita | madyat | madyat |
pound (n. rice) | magbayo | alo | mabbayo |
rice (n. cooked) | kanin | tudda | tudda |
ricefield (n.) | palayan | payaw | payaw |
rich (n.) | mayaman | kammaranan | kammaranan |
ring (n.) | singsing | sakkalang | sakkalang |
road (n.) | daan | dalan | dalan |
root (n.) | ugat | gamut | lanut |
rope (n.) | lubid | siggut | lufid |
sand (n.) | buhangin | dat | adat |
seed (n.) | buto | bukal | bukal |
shadow (n.) | anino | anino | alano |
smoke (n.) | usok | atuk | atuk |
stone (n.) | bato | batu | batu |
string (n.) | tali | galot | gakad |
summit (n.) | tuktok | munsulok/tuttuk | tappat |
sweat (n.) | pawis | lingat | lingat |
tail (n. animal) | buntot | ifut | ifut |
tear (n.) | luha | luwa | aluna |
thorn | tinik | asit | asit |
trail (n.) | landas | lakaran | dalan |
urine (n.) | ihi | ibbu | ibbu |
wind (n.) | hangin | leled | leled |
wing (n.) | pakpak | payak | payak |
wood/tree (n.) | kahoy | kayo | kayo |
Makikita sa talahanayan ang magkaibang kahulugan na ibinigay sa mga salitang pangngalan. Naitiman ang magkakaibang kahulugan at hindi naitiman ang mga magkakaparehas na kahulugan. Ang mortar (n. rice) – attong, sand (n.) – dat, answer (n.) – tabban, mountain (n.) – bakulud, leaf – don, lime – afog ang ibinigay na kahulugan ng mga Lowland Gaddang samantlang attung, adat, tabbag at kulud, adon, afug naman sa mga Highland Gaddang. Isang ponema/pantig lamang ang ipinagkaiba ngunit parehas ang bigkas ng mga salita.
Ang boil (n. infection) – butali/lattag, para sa mga Lowland Gaddang at butali lang sa mga Highland Gaddang. Mapapansin na parehas ang kanilang ibigay na kahulugan, maliban sa idinagdag ng mga Lowland Gaddang na lattag. Samantala, ang ibang kahulugan ay hango naman sa wikang Tagalog o Ilokano gaya ng wood (n.) – kayo/kayo
(Ilokano), road (n.) – dalan/dalan (Ilokano), stone (n.) – bato/bato (Ilokano/Tagalog), trail (n.) – lakaran/dalan (Tagalog/Ilokano), shadow (n.) – anino (Tagalog) at string (n.) – galot (Ilokano). Ang ganitong pagpapakahulugan ay gumagamit ng panghihiram sa ibang wika para matumbasan ang mga salita na sadyang walang kahulugan sa sariling wika/dayalekto.
Talahanayan 4. Mga Salitáng Pandiwa sa Wikang Gaddang
English | Filipino | Lowland Gaddang | Highland Gaddang |
blow(v.) | ihip/hihip | midyub | idjofan |
bite(v.) | kagat | kassib | makkat |
burn(v.) | sunog/sunugin | taggab | sikkul |
buy(v.) | bili/bumili | maggatang | maggatang |
call(v.) | tawagin | ayan | ayan |
count(v.) | magbilang | mabbilang | mabbilang |
cut(v.) | hiwa/magputol | iwan | iwan/nakatto |
defecate(v.) | dumumi/tumae | makawet | natafa |
dig(v.) | hukay/humukay | kokkot | korub |
forget(v.) | makalimot | makalyawan | makalyawan |
give(v.) | ibigay | indan | mangadda |
hide(v.) | magtago | mattawo | mattawo |
hold(v.) | hawakan | iggaman | iggaman |
hunt(v.) | mangaso | manganop | manganop |
kick(v.) | sipain | ikussag | ikussad |
kill(v.) | patayin | patayan | patayan |
know(v.) | kilala | ammuraka | ammuraka |
learn(v.) | matutuhan | ||
lie(v.) | magsinungaling | masiri | masiri |
lose(v.) | nawala | naawan | naawan |
pay(v.) | bayad | mapagga | mapagga |
play(v.) | maglaro/laruin | makkayam | makkayam |
remember(v.) | tandaan | tandamman | tandamman |
repeat(v.) | ulitin | angkakuan | ipidwa |
return(v.) | uwi | muli | manaw |
say(v.) | sabi | isapit | isapit |
scratch(v.) | kalmutin | kurakkut | kurakutan |
see(v.) | tingnan | itan | imunakkan |
sell(v.) | ibenta/ipagbili | mallako/ilako | mallako/ilako |
sing(v.) | umawit | makkanta | makkanta |
sleep(v.) | matulog | matturog | matturog |
smell(v.) | amoy | dallu | dallu |
spit(v.) | dumura | mallupa | mallupa |
split(v.wood) | sibak | mabambag | mamalbag |
squeeze(v.) | piga/pigain | paggalan | pappattan |
stab(v.) | saksak | takkufan | |
steal(v.) | nakaw | makokot | mattakaw |
suck(v.) | sumuso | massuso | makannut |
tear(n.) | luha | luwa | alwa |
tie(v.) | tinali | siggut | igakad |
vomit(v.) | nagsuka/suka | muta | muta |
wait(v.) | maghintay | mindag | mattaron |
wash(v.hand) | hugas | bagwan | |
wipe(v.) | pahid/punasan | funatan | funatan |
work(v.) | magtrabaho | mattrabaho | mappaggut |
Batay sa talahanayan sa itaas, ang mga salitáng naitiman ay may magkaibang kahulugan samantalang ang mga hindi naitiman ay may taglay na parehas na kahulugan. Ang salitang dwell (v.) – pagyanan (Ilokano), kill (v.) – patayan/patayan (Tagalog) ay kahulugang hiniram sa mga wikang Ilokano o Tagalog.
May mga ilang salita naman na binigyan ng higit sa isang kahulugan ng alinman sa Lowland o Highland Gaddang. Halimbawa, ang dig (v.) – kokkot/makkorub (Lowland Gaddang), cut (v. slice meat) – iwan/nakatto (Highland Gaddang), suck (v.) – massuso/makannut (Highland Gaddang) at see (v.) – itan/imunakkan (Highland Gaddang). Natural ang ganitong sistema ng pagbibigay-kahulugan. Maraming salita ang nagtataglay ng higit sa isang kahulugan ngunit parehas ang ibig sabihin. Samantalang ang mga salitang stab (v.) – takkufan at ang learn (v.) – makkalakamum ay mga kahulugang ibinigay ng Lowland Gaddang samantalang walang naging panumbas ang Highland Gaddang sa mga nabanggit na salita.
Talahanayan 5. Mga Salitáng Pang-uri, Pang-abay at iba pang Bahagi ng Pananalita
English | Filipino | Lowland Gaddang | Highland Gaddang |
all | lahat | ammin | ammin |
awake(adj.) | gising | gamya | nafat |
bad(not good) | masama | maral | maraggal |
beautiful | maganda | makasta | nalawad |
big | malaki | dokal | dokal |
breathe | hininga | mangat | mangat |
cheap | mura | malamak | malamak |
difficult | mahirap | madiyat | madiyat |
dirty(clothes) | marumi | madakkut | madakkut |
dull(knife edge) | mapurol | mangural | mangural |
expensive | mahal(na presyo) | mangina | mangina |
fragrant | mabango | bango | nabangog |
good(adj.) | mabuti/mabait | masimpat | nannakam |
hard(not soft) | matigas | matagga | mataggat |
heavy | mabigat | madammat | madammat |
how(many) | ilan | pigya | pidja |
itch | kati | makatal | makatal |
light(not heavy) | magaan | malampaw | malampaw |
new | bago | bawo | bawo |
no | hindi | bakkan | mena</ |
none | wala | awan | awan |
old(object) | luma | dadan | awan |
other (different) | iba | korwan | tanakkuwan |
sharp (knife) | talas/matalas | mataram | mataram |
small(adj.) | maliit | bisang | balabissang |
stick(adhere) | dikit/dumikit | pikkat | dikkat |
story | kuwento | bida | ayayam |
strong | lakas/malakas | tuyag | matuyag |
weak(adj.) | mahina | makafuy | makafuy |
word | salita | sapit | damit |
yes | oo | on | on |
Makikita sa itaas na talahanayan ang mga salitang naitiman na may magkaibang kahulugan samantalang ang mga hindi naitman ay may taglay na parehas na kahulugan. Ang mga salitáng stick – pikkat/dikkat ay nagkaiba lámang sa unang ponema na p/d ngunit parehas ang kahulugan samantalang ang how (many) – pigya/pidja ay dalawang salita na magkaiba ang baybay ngunit halos parehas ang bigkas at kahulugan. Ang fragrant – bango ay kahulugang ibinigay ng mga Lowland Gaddang na hinango sa wikang Tagalog.
Talahanayan 6. Mga Piling Katawagan ukol sa Panahon at mga Bagay sa Kalawakan
English | Filipino | Lowland Gaddang | Highland Gaddang |
afternoon | hapon | fuwab | fuwab |
cloud (n.) | ulap | dulam | ulap |
day (not night) | araw | aw | aw |
lightning | kidlat | tallit | tallit |
moon | buwan | dakkag | dakkag |
morning | umaga | daddaramat | gigibat |
night | gabi | gafi | gafi |
noon | tanghali | tangnganaw | banganaw |
now | ngayon | toye | afug |
rain (n.) | ulan | uran | uran |
rainbow | bahaghari | bullon | bullon |
sky | himpapawid | langit | langit |
star (n.) | bituin | bitun | bitun |
sun | araw | sinag | sinag |
thunder (n.) | kulog | addug | addug |
today | ngayon | sitoaw | ingkiin |
tommorow | bukas | daramat | daramat |
year | taon | dawon | dawun |
yesterday | kahapon | singfuab | singafi |
Ipinapakita ng talahanayan na ang mga salitáng naitiman ay nagpapakita ng magkaibang kahulugan at ang hindi naitiman ay nagpapakita ng magkatulad na kahulugan. Samantala, ang salitáng sky na parehas na tinumbasan ng Highland at Lowland Gaddang ng langit ay hango sa wikang Tagalog. Gayundin ang cloud na tinumbasan ng mga Highland Gaddang ng ulap ay hango din sa wikang Tagalog. Samakatuwid, may mga salita sa wikang Gaddang na hinahango ang kahulugan sa wikang Tagalog.
Talahanayan 7. Mga Piling Katawagan ukol sa Gamit sa Pagtulog, Pananahi at Kasuotan
English | Filipino | Lowland Gaddang | Upland Gaddang |
blanket | kumot | ulat | ulat |
loincloth | bahag | abag | abag |
mat (n.) | banig | afak | afak |
needle (n.) | karayom | bilat | bilat |
pillow (n.) | uimognan | fungan | fungan |
trousers | pantalon | pantalon | salawinit |
Halos parehas ang kahulugan ng karamihan sa mga salita, maliban sa trousers – pantalon para sa Lowland Gaddang. Mapapansin na ang salitáng pantalon ay hango sa wikang Tagalog. Sa puntong ito, panghihiram ang naging sandigan para mabigyang kahulugan ang isang salita at magamit sa pakikipagtalastasan.
Talahanayan 8. Mga Katawagan ukol sa Damdamin at Kilos ng Tao
English | Filipino | Lowland Gaddang | Highland Gaddang |
anger | galit | bungot | bungot |
ashamed | nahiya | maatal | maatal |
climb (v.) | akyat | umunik | umunik |
cry/weep (v.) | iyak/umiyak | mattangit | mattangit |
fall (v.) | hulog | nadannag | nadannag |
fear (v.) | matakot | mattalaw | mattalaw |
float (v.) | lumutang | lumantaw | |
fly (v.) | lumipad | makayab | makayab |
fight (n.) | away | mappakua | makwa |
laugh (v.) | tawa/tumawa | makkatawa | makkatawa |
lonely | malungkot | abag | |
pain (n.) | sakit/kirot | mallow | matakit |
pull (v.) | hilahin | gongonan | iyaggod |
push (v.) | itulak | ituyyad | ituyyad |
quick (adv.) | bilis/mabilis | mapalan | kangkaman |
run (v.) | takbo | makkarela | malayaw |
sit (v.) | upo/umupo | mattutod | mattutod |
stand (v.) | tayo/tumayo | taddag | mattadeg |
throw (v.) | itsa/ihagis | tappol | takkub |
turn | paikutin | balekkiran | passilakkan |
walk (n.) | lakad/maglakad | mallakad | mallakad |
Batay sa talahanayan sa itaas, maraming salita ang may magkakaiba ang kahulugan. Makikita ang mga magkakaibang kahulugan sa mga naitiman na salita. Ang mga salitáng hindi naitiman ay nagpapakita ng parehas na kahulugan. Walang kahulugan na ibinigay ang Highland Gaddang sa mga salitang float at lonely. Ibig sabihin na ang wikang Gaddang ay nakararanas ng kakulangan ng panumbas sa ilang salita sa wikang English o Tagalog. Sa panahong walang maipanumbas na angkop na salita, panghihiram ang pinakaposibleng gawin.
Ayon sa mga impormante, sa ganitong pagkakataon na wala siláng maipanumbas sa salita, pinananatili na lámang nila ang wikang Ilokano, Tagalog o English. Marami diumanong mga salita sa English o Tagalog na wala siláng panumbas sa wikang Gaddang kayâ malimit na sila ay nanghihiram na lámang para magamit sa mas maluwag na pakikipagtalastasan.
Talahanayan 9. Mga Piling Katawagan ukol sa Distansiya, Sukat at Direksiyon
English | Filipino | Lowland Gaddang | Highland Gaddang |
deep | lalim/malalim | arollam | naunag |
east | silangan | silawan | siltakan |
far | malayo | arroyo | arroyo |
full | puno | napannu | napannu |
large | malaki | dukal | dukal |
left (not right) | kaliwa | dawi | dawi |
long (adj.) | mahaba | aroddag | aroddag |
narrow | makitid/makipot | tallin | ila-ilat |
near (adv.) | malapit | aranni | aranni |
north | hilaga | dilod | dilaya |
right (not left) | kanan | diwanan | diwanan |
short (height) | mababa | ibbafa | abbafa |
short (length) | maikli | ibbafa | abbafaw |
small | maliit | bisak | bisak |
south | timog | diraya | dilod |
straight | deretso/tuwid | masundog | masundog |
under | ilalim | gukab | gukab |
west | kanluran | taggapan | talappan |
wide | maluwang | mawayang | alalwang |
Pansinin ang pagkakaiba ng mga kahulugan ng mga piling salita na ginagamit sa distansiya, sukat at direksiyon. Ang mga salitáng naitiman ay nagpapakita ng baryasyon sa kahulugan na ibinigay ng mga grupo ng Highland at Lowland Gaddang. Ang mga hindi naitiman ay mga salitang nagtataglay ng parehas na kahulugan. Samantala, ang salitáng short (height) – ibbafa/abbafa; short (length) – ibbafa/abbafaw ay hindi nalalayo ang kahulugan dahil nagkaiba lámang ng isang ponema, ngunit ang tunog at bigkas ay halos magkaparehas.
Talahanayan 10. Mga Piling Katawagan ukol sa mga Insekto
English | Filipino | Lowland Gaddang | Upland Gaddang |
butterfly | paruparo | kulifambang | kulifambang |
louse/lice | kuto | kutu | kutu |
mosquito | lamok | ilak | ilak |
spider | gagamba | kukawa | kukawa |
termite (white ant) | anay | anay | anay |
worm (earth) | bulate | karalang | ulipat |
Makikita sa itaas na talahanayan na halos walang pinagkaiba ang pakahulugan ng Highland at Lowland Gaddang pagdating sa katawagan ukol sa mga insekto maliban sa worm na tinumbasan ng mga Lowland Gaddang ng karalang at ulipat naman para sa mga Highland Gaddang. Ang termite – anay ay kahulugan na hiniram sa wikang Tagalog. Sa puntong ito, ang wikang Gaddang ay nanghiram ng kahulugan hindi lámang sa wikang Tagalog kundi maging sa ibang wika/dayalekto.
Talahanayan 11. Mga Piling Katawagan ukol sa Kulay
English | Filipino | Lowland Gaddang | Upland Gaddang |
white | puti | furaw | furaw |
black | itim | ngisit | ngisit |
red | pula | libaga | libaga |
yellow | dilaw | dulaw/ngila | dulaw |
green | lunti | berde |
Parehas ang kahulugang ibinigay ng dalawang grupo sa ilang piling katawagan ukol sa kulay. Gayunman, mapapansin na ang panumbas na ibinigay ng grupong Lowland Gaddang sa green ay berde na hango sa wikang Español. Samantalang ang mga grupo ng Highland Gaddang ay walang panumbas sa salitáng green. Samakatuwid, ang wikang Gaddang ay hindi lámang sa wikang Tagalog nanghihiram kundi maging sa wikang Español. Ang mga salitáng walang panumbas sa wikang Gaddang ay posibleng sa wikang banyaga rin humihiram ng panumbas o pinapanatili na lamang ang wikang English.
Talahanayan 12. Mga Piling Katawagan ukol sa Bahagi ng Bahay
English | Filipino | Lowland Gaddang | Upland Gaddang |
bathroom (n.) | banyo | batalan | |
door (n.) | pintuan | puwerta | lalamwangan |
floor (n.) | sahig | dattan | dattan |
house (n.) | bahay | balay | balay |
kitchen (n.) | kusina | kumidor | dafug |
roof (n.) | bubong/atip | atap | atap |
space (under house) | silong | gukab | gukab |
stair (n.) | hagdan | addan | addan |
window (n.) | bintana | sawang | sawang |
wall (n.) | dingding | dinding | dinding |
Makikita sa talahanayan ang mga salitáng naitiman na may magkaibang kahulugan samantalang ang hindi naitiman naman ay taglay ang parehas na kahulugan. Ang bathroom ay may katumbas na batalan sa Lowland Gaddang, parehas sa wikang Tagalog samantlang walang ibinigay na kahulugan ng mga Upland Gaddang sa salitang nabanggit. Ang salitang wall – dinding na nakaltasan lamang ang unang pantig ng ponemang /g/ subalit halos parehas ang bigkas sa orihinal na salita sa wikang Tagalog na dingding. Ang ginamit sa puntong ito ay ang pagkakaltas ng ponema.
Talahanayan 13. Mga Katawagan ukol sa Katawan ng Tubig at iba pa
English | Filipino | Lowland Gaddang | Highland Gaddang |
bathe (v.) | maligo | madiyut | madiyut |
boil (v.) | kulo | palwag | pabburarak |
boat | bangka | barangay | abang |
dry (in the sun) | ibilad | ibilag | mamiling |
dry (not wet) | tuyo | namma | namma |
flow (n.) | agos | lifi | bisoruk/ayit |
lake | lawa | balanaw | |
paddle (n. boat) | pansagwan | tagwan/kalu | takkan |
raft | balsa | gakit | gakit |
river | ilog | mat | wawwang |
sea | dagat | bebay | |
swim (v.) | langoy/lumangoy | mattalug | mattalug |
water | tubig | danum | danum |
waterfalls | talon | barubbub | uto |
wet (adj.) | basa | nabata | nabata |
Matutunghayan sa itaas na talahanayan na marami ang magkakaibang kahulugan na ibinigay ng Lowland at Highland Gaddang sa mga katawagan ukol sa katawan ng tubig at iba pang kaugnay na termino sa tubig. Ang mga salitang naitiman ay nagpapakita ng magkaibang kahulugan samantalang ang mga salitang hindi naitiman ay nagpapakita ng parehas na kahulugan.
Ang salitang lake ay hindi nabigyan ng kahulugan ng grupo ng Highland Gaddang. Ang sea naman ay bebay para sa mga Lowland Gaddang samantalng walang kahulugang ibinigay ang mga Highland Gaddang. Ang boat – barangay ay sa wikang Tagalog hiniram at ang dry (in the sun) – ibilag ay sa wikang Ilokano naman ibinatay ang kahulugang ibinigay ng mga Lowland Gaddang. Makikita na panghihiram pa rin ang naging sanligan sa pagbibigay-kahulugan ng ilang salita sa wikang Gaddang.
Talahanayan 14. Mga Piling Katawagan ukol sa Bahagi ng Katawan ng Tao
English | Filipino | Lowland Gaddang | Highland Gaddang |
ankle | bukongbukonbg | lipat | bungkog |
anus | tumbong | unin | unin |
arm (body part) | braso | langalay | langalay |
belly | tiyan | kuyung | kuyung |
blood | dugo | da | daa |
bone | buto | tulang | tulang |
breast (mammary) | suso | suso | gatat |
brain | utak | utak | utak |
buttocks | pigi | pempel | |
cheek | pisngi | paringil | paringil |
chest (body) | dibdib | taggang | taggang |
chin | baba | simid | simid |
ear | tainga | layag | layag |
elbow (n.) | siko | siko | siko |
eye (n.) | mata | mata | mata |
eyebrow | kilay | kiray | kiray |
eyelashes | pilikmata | kimat | kimat |
face (n.) | mukha | mutong | mutong |
finger (n.) | daliri | tamuro | kuramag |
foot (n.) | paa | takki | takki |
forehead | noo | kiray | kiray |
hair | buhok | buk | abok |
hand (n.) | kamay | kamat | kamat |
head (n.) | ulo | ulo | ulo |
heart | puso | futu | futu |
intestines | bituka | sinay | sinay |
knee (n.) | tuhod | tud | atud |
leg (n.) | hita | pikal | uffo |
lip (n.) | labi | bifig | bifig |
liver | atay | al | al |
lungs | baga | ba | aba |
mouth (n.) | bibig | bifig/sangi | wangit |
nail (n.) | kuko | kuku | kuku |
neck (neck front) | leeg | tangngad | kararong |
nose (n.) | ilong | iyong | iyong |
palm (hand) | palad | palad | palad |
penis | titi | usin | usin |
rib (n.) | tadyang | taggang/banuk | siwang |
saliva (n.) | laway | luppa | ifag |
shoulder (n.) | balikat | afa | afa |
skin (n.) | balat | gaddang | gaddang |
sole (foot) | talampakan | dapan | dapan |
toe (n.) | daliri ng paa | tamuro | kuramang |
tooth | ngipin | ngipan | ngipan |
tongue (n.) | dila | dila | dila |
vagina | puwerta/puki | sila | sila |
vein | ugat | kallat | kallat |
Matutunghayan sa itaas na talahanayan ang magkakaibang kahulugan ng Lowland at Higland Gaddang sa ilang katawagan ukol sa bahagi ng katawan ng tao. Ang mga salitang naitiman ay nagpapakita ng magkaibang kahulugan at ang mga salitang hindi naitiman ay nagpapakita ng parehas na kahulugan. Ang salitang sole – dapan ay sa wikang Ilokano, ang head – ulo; brain – utak; tongue – dila; eye – mata, at palm – palad ay hango sa wikang Tagalog. Ang knee – tud/atud; lungs – ba/aba at blood – da/daa ay may nadagdag na ponemang a sa kahulugang ibinigay ng mga Highland Gaddang.
Ang buttocks ay pempel para sa Lowland Gaddang. Habang wala itong kahulugan para s mga Highland Gaddang. Maliwanag na ang wikang Gaddang, gaya ng ibang mga wika at dayalekto ay nakararanas din ng pagkasaid ng panumbas sa ilan nilang salita kayâ humahantong sa panghihiram ng kahulugan sa ibang mga wika gaya ng Ilokano at Tagalog. Ito ang isang patunay na nagkakaroon ng baryasyun sa wika dahil sa impluwensiyang sosyal (social influence).
Ang Etnolingguwistikong Pagkakakilanlan ng mga Katutubong Gaddang
Upang alamin ang sitwasyong pangwika ng mga katutubong Gaddang sa Nueva Vizcaya, kinapanayam ng mga mananaliksik ang isandaan at apatnapung impormante (140 informants) mula sa mga bayan ng Bagabag, Solano, at Bayombong, Nueva Vizcaya. Inalam ng mga mananaliksik ang ilan sa kanilang pagkakakilanlan (profile of the informants) gaya ng tagal ng paninirahan sa lugar, pangkat etnikong kinabibilangan, pangkat etnikong kinabibilangan ng tatay, pangkat etnikong kinabibilangan ng nanay, pangunahing wikang sinasalita, iba pang wikang sinasalita, pinakamataas na edukasyong natapos at hanapbuhay o pinagkakakitaan.
Makikita sa ibabang talahanayan ang bílang ng impormante na nagsilbing kaagapay ng mga mananaliksik sa pagtupad sa mga pangangailangan ng pananaliksik. Sila ang nagbigay ng mga mahahalaga at makatotohanang datos at impormasyon na ginamit na basehan sa talakayan, pagbubuo ng kongklusyon at rekomendasyon. Siyamnapu (90) sa kanila ay babae na may katumbas na 64.29 bahagdan. Limampu (50) ang mga lalaki na may katumbas na 35.71 bahagdan. Limampung anim (56) ang may edad na 60 – pataas at may katumbas na 40.01 bahagdan, 42 (29.99 bahagdan) para sa edad na 40 – 59, 30 (21.43 bahagdan) sa edad na 20 – 39 at 12 (8.57 bahagdan) sa edad na 19 – pababa.
Talahanayan 15. Kasarian ng mga impormante
Kasarian | 60-Pataas | 40-59 | 20-39 | 19-Pababa | Kabuuan | |||||
n | % | n | % | n | % | n | % | n | % | |
Babae | 39 | 27.87 | 27 | 19.28 | 17 | 12.14 | 7 | 5.00 | 90 | 64.29 |
Lalaki | 17 | 12.14 | 15 | 10.71 | 13 | 9.29 | 5 | 3.57 | 50 | 35.71 |
Kabuuan | 56 | 40.01 | 42 | 29.99 | 30 | 21.43 | 12 | 8.57 | 140 | 100 |
Batay sa talâ hinggil sa pinakamataas na edukasyon na natapos ng mga impormante, lumalabas na pinakamataas ang hayskul na antas na may kabuuang 49 (34.99 bahagdan), kasunod ang kolehiyo na may kabuuang 41 (29.29 bahagdan), elementarya na may kabuuang bílang na 25 (17.86 bahagdan), nagtapos ng kolehiyo na may 22 (15.72 bahagdan) at 3 (2.14 bahagdan) para sa mga nagtapos ng bukasyunal na kurso.
Makikita na marami sa kanila ang nagtapos ng kolehiyo at nakarating sa antas kolehiyo. Ibig patunayan ng estadistika na ang mga katutubobng Gaddang ay may mataas na pagpapahalaga sa edukasyon. Sa katunayan, marami sa mga nakapanayam ng mga mananaliksik ay mga retiradong guro at empleyado ng gobyerno habang ang iba ay kasalukuyang may mga posisyon sa pampubliko at pampribadong sangay, nahalal na pinuno ng lokal na pamahalaan at tinatapos ang kanilang kurso sa kolehiyo at hayskul.
Talahanayan 16. Pinakamataas na edukasyong natapos
60-Pataas | 40-59 | 20-39 | 19-Pababa | Kabuuan | ||||||
n | % | n | % | n | % | n | % | n | % | |
Nagtapos ng Kolehiyo | 11 | 7.86 | 9 | 6.43 | 2 | 1.43 | 22 | 15.72 | ||
Bukasyunal na Kurso | 2 | 1.43 | 1 | 0.71 | 3 | 2.14 | ||||
Kolehiyo | 12 | 8.57 | 9 | 6.43 | 18 | 12.86 | 2 | 1.43 | 41 | 29.29 |
Hayskul | 18 | 12.86 | 16 | 11.42 | 7 | 5.00 | 8 | 5.71 | 49 | 34.99 |
Elementarya | 13 | 9.29 | 7 | 5.00 | 3 | 2.14 | 2 | 1.43 | 25 | 17.86 |
Kabuuan | 56 | 40.01 | 42 | 29.99 | 30 | 21.43 | 12 | 8.57 | 140 | 100 |
Sa panayam ng mga mananaliksik sa mga impormante, pinatunayan nila na mataas ang kanilang pagpapahalaga sa edukasyon. Ayon kay G. Santiago Bulan, isang retiradong Agricultural Engineer, noon pa man ay mataas na ang pagpapahalaga nila sa edukasyon. Bílang isang retiradong inhenyero, ginawa diumano niya lahat ang ng kaniyang makakaya kasama ng kaniyang asawa para makapagtapos lahat ang kanilang mga anak ng kursong kanilang nais. Sa ngayon, ika niya ay maayos na ang kalagayan ng kaniyang mga anak sapagkat sila ay mga matagumpay nang propesyunal.
Ang lahat ng binaggit ni G. Bulan ay napatotohanan ng mga mananaliksik sa kanilang panayam sa iba pang mga impormante sa Bagabag at Bayombong. Lahat sila ay nagkakaisa sa pagsasabing mahalaga sa kanila ang edukasyon sapagkat ito ay isang matibay na kasangkapang sa pagharap sa hamon ng buhay.
Ayon sa ulat ng SCMP (1996), mahalaga ang edukasyon para sa mga Pilipino. Naniniwala ang mga magulang sa mabuting dulot ng edukasyon para sa kanilang mga anak. Isang mahalaga at natatanging yaman na maaari nilang maipamana sa kanilang mga anak. Dahil diumano sa mataas na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa edukasyon, naging mahusay sila sa wikang English at madali nilang naipapahayag ang kanilang ideya sa anumang paksa na maaaring mapag-usapan. Maliban dito, libre ika nila ang pag-aaral sa Pilipinas, sapat na dahilan para marami sa mga Pilipino ang nakakatapos ng pag-aaral.
Samanatala, sa artikulo ni Bondoc (2017) na pinamagatang “How Do Filipinos View Education”, tinalakay niya kung paanong pinapahalagahan ng mga Pilipino ang edukasyon. Malimit diumanong paalalahanan ng mga magulang ang kanilang mga anak hinggil sa kahalagahan ng edukasyon at kung ano ang mabuting maidudulot nito sa kanila lalo na sa kanilang paghahanap ng magandang trabaho sa hinaharap. Nakikita nila ang halaga ng edukasyon para mapaangat ang kanilang sosyal at ekonomikal na kalagayan.
Hinggil sa pangkat etnikong kinabibilangan ng mga impormante, malaking bahagdan ay kabilang sa pangkat etniko na katutubong Gaddang. Isandaan at tatlumpu’t isa (131) ang nagsabing sila ay kabilang sa katutubong Gaddang na may katumbas na 93.58 bahagdan. Walo (8 – 5.71 bahagdan) lámang ang nagsabing sila ay kabilang sa pangkat etniko ng Ilokano habang may isang (1 – 0.71 bahagdan) Isinay lámang. Mapapansin na ang mga impormante na may edad 19 – pababa ay umaamin na sila ay kabilang sa pangkat etniko ng katutubong Gaddang, isang magandang patunay na positibo pa rin nilang kinikilala ang kanilang sarili bílang bahagi ng bagong henerasyon ng katutubong Gaddang.
Talahanayan 17. Pangkat etnikong kinabibilangan ng mga impormante
PEK | 60-Pataas | 40-59 | 20-39 | 19-Pababa | Kabuuan | |||||
n | % | n | % | n | % | n | % | n | % | |
Gaddang | 53 | 37.87 | 39 | 27.85 | 27 | 19.29 | 12 | 8.57 | 131 | 93.58 |
Ilokano | 3 | 2.14 | 2 | 1.43 | 3 | 2.14 | 8 | 5.71 | ||
Isinay | 1 | 0.71 | 1 | 0.71 | ||||||
Kabuuan | 56 | 40.01 | 42 | 29.99 | 30 | 21.43 | 12 | 8.57 | 140 | 100 |
Makikita sa talahanayan sa ibaba na Gaddang pa rin ang nangungunang pangkat etnikong kinabibilangan ng mga tatay ng mga impormante na umabot sa kabuuang bílang na 88 at may katumbas na 62.858 bahagdan. Kasunod ang Ilokano na may kabuuang bílang na 32 at may katumbas na 22.858 bahagdan. Maaliban sa Gaddang at Ilokano, ilan sa kanila ay nagsabing ang kanilang tatay ay Tagalog, Isinay, Ibanag, Itneg, Bisaya, Ifugao, Bulakeño, Batangueño, Pangasenense at Nigerian. Ang estadistika ay nagpapatunay na may naganap na intermarriage sa katutubong Gaddang. Ang intermarriage ay ang pakikipag-asawahan sa ibang lahi o tribu. Maliban dito, maaari ding makapangasawa ang isang tao sa labas ng lalawigan o rehiyon at maging sa ibang bansa. Kapag ibang lahi o tribu ang napangasawa ng isang katutubong Gaddang, malaki ang posibilidad na mahahaluan at mababago ang wikang tatangkilikin ng kanilang mga anak.
Talahanayan 18. Pangkat etnikong kinabibilangan ng tatay
PEKT | 60-Pataas | 40-59 | 20-39 | 19- Pababa | Kabuuan | |||||
n | % | n | % | n | % | n | % | n | % | |
Gaddang | 45 | 32.144 | 21 | 15.000 | 16 | 11.429 | 6 | 4.286 | 88 | 62.858 |
Ilokano | 6 | 4.287 | 15 | 10.714 | 8 | 5.714 | 3 | 2.143 | 32 | 22.858 |
Tagalog | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | 3 | 2.143 | ||
Isinay | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | 2 | 1.429 | ||||
Ibanag | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Itneg | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Ifugao | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Bisaya | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | 2 | 1.429 | ||||
Ifugao | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Bulakeño | 1 | 0.714 | 2 | 1.429 | 3 | 2.143 | ||||
Batangueño | 1 | 0.714 | 3 | 2.143 | 4 | 2.857 | ||||
Pangasenense | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Nigerian | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Kabuuan | 56 | 40.01 | 42 | 29.99 | 30 | 21.43 | 12 | 8.57 | 140 | 100 |
Hindi gaya ng mga tatay, ang mga nanay ay nagtamo ng mataas na bahagdan ng pagpapanatili ng kinabibilangang etniko. Umabot sa 105 ang kanilang kabuuang bílang na may 75.002 bahagdan. Makikita rin sa talahanayan sa ibaba na katutubong Ilokano pa rin ang karamihan sa napangasawa ng mga nanay na umabot ang bílang sa 18 (12.858 bahagdan). Samantala, nagkaroon pa rin ng intermarriage ang ilan sa mga nanay sa ibang lahi o tribu gaya ng Tagalog, Isinay, Ifugao, Igorot, Bisaya, Yogad at Pangasenense.
Ayon kay G. Palmerin Labog, hindi daw maiiwasan ng marami sa mga katutubong Gaddang ang makipag-asawahan sa mga katutubong Ilokano dahil karamihan sa mga nakatira sa Nueva Vizcaya ay Ilokano na gáling sa lalawigan ng Isabela at iba pang karatig lalawigan ng Rehiyon 2. Gayunman, hindi naman daw limitado sa katutubong Ilokano ang posibleng mapapangasawa ng ilang katutubong Gaddang dahil maaari ding gáling sa ibang rehiyon gaya ng kaniyang napangasawa na isang katutubong Ifugao. Maging ang kaniyang mga anak ay sa ibang lahi o tribu din nakapangasawa.
Talahanayan 19. Pangkat etnikong kinabibilangan ng nanay
PEKN | 60-Pataas | 40-59 | 20-39 | 19-Pababa | Kabuuan | |||||
n | % | n | % | n | % | n | % | n | % | |
Gaddang | 38 | 27.144 | 36 | 25.714 | 22 | 15.714 | 9 | 6.430 | 105 | 75.002 |
Ilokano | 7 | 5.001 | 4 | 2.857 | 5 | 3.571 | 2 | 1.429 | 18 | 12.858 |
Tagalog | 4 | 2.857 | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | 6 | 4.285 | ||
Isinay | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | 2 | 1.429 | ||||
Ifugao | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Igorot | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | 2 | 1.429 | ||||
Bisaya | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Yogad | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Pangasenense | 3 | 2.143 | 1 | 0.714 | 4 | 2.857 | ||||
Kabuuan | 56 | 40.001 | 42 | 29.999 | 30 | 21.427 | 12 | 8.573 | 140 | 100 |
Kaugnay ng kahulugang nabanggit, niliwanag ni G. Labog na awa ng Diyos diumano ay hindi naman daw nangyari sa kaniya at ng namayapa niyang asawa ang mag away bagaman magkaiba sila ng pinagmulan. Batay din sa nakikita niya sa kaniyang mga anak at sa kanilang asawa ay hindi rin sila nagkakaroon ng problema sa kabila ng magkaiba nilang kinalakhang kultura at paniniwala. Ang kaniyang mga apo ay maayos namang napalaki sa kabila rin ng magkakaibang kulturang pinagmulan ng kanilang mga magulang.
Ayon kay De Klerk (2001), malaking salik ang intermarriage sa pagkawala ng wika ng isang tao. Kapag dalawa o higit pa ang wikang umiiral sa loob ng pamilya, posibleng magtakda ang pamilya ng mga pamantayang pangwika (language policy in terms of language shift and language maintainance). Ito ang maaaring magsabi kung ang mga anak ay magiging bilinguwal o hindi at kung alin sa dalawang wika ng kaniyang mga magulang ang kaniyang susundin. Ito ay isang salik na nakikita ng maraming eksperto sa wika na mabigat na dahilan kayâ maraming mga wika ang namamatay.
Samantala, makikita sa ibabang talahanayan na Gaddang ang pangunahing wika na sinsalita ng mga impormante. Ito ay may kabuuang bílang ng nagsasalita na 85 (60.717 bahagdan), sinusundan ng wikang Tagalog na may kabuuang bílang ng nagsasalita na 29 (20.714 bahagdan) at pumapangatlo ang wikang Ilokano na may bílang ng nagsasalita na 22 (15.714 bahagdan). Maliban sa tatlong nangungunang wika, may ilan namang nagsabi na Tuwali, Yogad, Waray at English ang kanilang pangunahing wika na sinasalita sa kanilang pakikipagtalastasan sa ibang tao sa iba’t ibang pagkakataon at lugar.
Talahanayan 20. Pangunahing wika na sinasalita ng mga impormante
PWSI | 60-Pataas | 40-59 | 20-39 | 19-Pababa | Kabuuan | |||||
n | % | n | % | n | % | n | % | n | % | |
Gaddang | 46 | 32.857 | 27 | 19.288 | 12 | 8.572 | 85 | 60.717 | ||
Ilokano | 3 | 2.143 | 5 | 3.571 | 10 | 7.143 | 4 | 2.857 | 22 | 15.714 |
Tagalog | 4 | 2.857 | 10 | 7.143 | 8 | 5.714 | 7 | 5.000 | 29 | 20.714 |
Tuwali | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Yogad | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Waray | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
English | 1 | 0.714 | 1 | 0.714 | ||||||
Kabuuan | 56 | 39.999 | 42 | 30.002 | 30 | 21.428 | 12 | 8.571 | 140 | 100 |
Pagdating sa alternatibong wika na sinasalita ng mga katutubong Gaddang maliban sa kinilala nila na kanilang pangunahing wika, lumalabas na wikang Ilokano ang nangungunang wika na mas gusto nilang gamitin na nagtamo ng 104 (42.277 bahagdan) mula sa kabuuan na 246 na iba pang wika na kanilang sinasalita. Kasunod ang wikang Tagalog na may kabuuang bílang na 68 (27.643 bahagdan), pumapangatlo ang wikang Gaddang na may kabuuang bílang na 39 (15.855 bahagdan), pang-apat ang wikang English na may kabuuang bílang na 26 (10.570 bahagdan). Maliban sa nangungunang apat na wika, may ilan ang nagsabing pamalit nila ang Bisaya, Isinay, Tuwali, Ayangan, Cebuano, Kapampangan at Pangasenense na may 1–2 bílang ng nagsasalita nito. Ito ay ang mga impormante na hindi purong Gaddang. Ibig sabihin, alinman sa kanilang mga magulang ay gáling o gumagamit ng ibang katutubong wika maliban sa Gaddang, Ilokano, Tagalog o English. Dahil sa pagkakahantad sa iba’t ibang wika, patuloy na humihina ang paggamit at pagtanggap ng mga kabataan sa wikang Gaddang.
Talahanayan 21. Iba pang wika na sinasalita ng mga impormante
IPWSI | 60-Pataas | 40-59 | 20-39 | 19-Pababa | Kabuuan | |||||
n | % | n | % | n | % | n | % | n | % | |
Gaddang | 9 | 3.659 | 17 | 6.911 | 13 | 5.285 | 39 | 15.855 | ||
Ilokano | 47 | 19.106 | 34 | 13.821 | 16 | 6.504 | 7 | 2.846 | 104 | 42.277 |
Tagalog | 27 | 10.976 | 18 | 7.317 | 18 | 7.317 | 5 | 2.033 | 68 | 27.643 |
English | 8 | 3.252 | 6 | 2.440 | 6 | 2.440 | 6 | 2.440 | 26 | 10.570 |
Bisaya | 1 | 0.410 | 1 | 0.410 | ||||||
Isinay | 1 | 0.410 | 1 | 0.410 | ||||||
Tuwali | 1 | 0.410 | 1 | 0.410 | ||||||
Ayangan | 1 | 0.410 | 1 | 0.410 | ||||||
Cebuano | 2 | 0.813 | 2 | 0.813 | ||||||
Kapampangan | 1 | 0.410 | 1 | 0.410 | ||||||
Pangasenense | 1 | 0.410 | 1 | 0.410 | 2 | 0.813 | ||||
Kabuuan | 97 | 39.446 | 76 | 30.899 | 55 | 22.366 | 18 | 7.319 | 246 | 100 |
Samantala, ang mga kumilala sa wikang Gaddang bílang pangalawa nilang wika ay mga impormante na nagsabing hindi Gaddang ang kanilang pangunahing wika. Mapapansin din na hindi kinikilala ng mga impormanteng may edad na 19 pababa ang wikang Gaddang bílang pangunahin o pangalawa man lámang sana nilang wika sa pakikipagtalastasan. Samantalang kung babalikan ang mga naunang datos at impormasyon sa unahan ay kinilala nila ang kanilang mga sarili na sila ay mga katutubong Gaddang at anak ng mag-asawang Gaddang. Ito ang maliwanag na bunga ng tinatawag na language shift o language choice sa panig ng mga kabataan.
Minsan, nakasalalay ang pagpili ng isang tao sa wika (language choice) sa kaniyang pagtanaw sa wika (language attitude). Ayon kay Asuncion (2018), nakapagtatakang mataas ang pagtingin ng mga katutubong Gaddang sa kanilang katutubong wika, gayunman, lumalabas na pantay lámang ang ibinibigay nilang pagtingin sa iba pang mga wika na ginagamit sa lalawigan. Kinikilala nila ang wikang Ilokano bílang lingua franca ng lalawigan, ang wikang Tagalog bílang batayan ng Pambansang Wika at ang English bílang pangmundong wika (international language) at isa sa mga opisyal na wika ng pagtuturo sa konteksto ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas. Sa apat na wikang nabanggit, wikang Tagalog ang nangunguna sa lahat samantalang pumapangatlo lámang ang wikang Gaddang.
Ang napatunayan ng pananaliksik na ito ay halos magkatulad sa napatunayan ni Asuncion sa kaniyang pananaliksik. Wikang Ilokano ang nangungunang pinapahalagahan ng nga katutubong Gaddang, pumapangalawa ang wikang Tagalog at pumapangatlo ang wikang Gaddang. Gayunman, may pasubali si Asuncion na nagsasabing, bagaman mataas ang pagtingin ng mga katutubong Gaddang sa kanilang wika, hindi pa rin ito ang kanilang pangunahing wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa pampubliko man o pampribadong lugar. Nakikita nila ang kahalagahan ng paggamit ng angkop na wika (language shift) depende sa sitwasyon at pagkakataon.
“When language shift becomes permanent, when the speakers start to abandon their ethnic language in favor of the dominant language, there is a tendency for the ethnic language to become endangered. This situation is seen now in the communities of the Gaddang speakers.” Sa madaling salita, dahil sa patuloy na paggamit ng mga katutubong Gaddang ng ibang wika sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, napapabayaan nila ang kanilang sariling wika kayâ nanganganib ang wikang Gaddang (Asuncion, 2018).
Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas
Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming wika at kultura na tinatayang umaabot sa mahigit-kumulang sa 14–17 milyong katutubong mamamayan (Indigenous Peoples) na kabílang sa 110 grupong etnolingwistiko. Ang mga grupong ito ay nakakalat at naninirahan sa higit na animnapung lalawigan sa bansa, mula sa mga baybayin hanggang sa kabundukan. Ang mga ito ay pangunahing matatagpuan at naninirahan sa Mindanao (61 bahagdan) at sa Hilagang Luzon kabilang ang Cordillera Administrative Region (33 bahagdna) at ang ilang grupo sa Rehiyon ng Visayas (UNDP, 2013).
Ang Cordillera Administrative Region (CAR), kabílang ang Rehiyon 2 ng Hilagang Luzon ay nakapagtala ng tatlumpu’t tatlong bahagdan ng mga katutubong mamamayan na gumagamit ng mga katutubong wika. Sa kabila nito, maraming pananaliksik ang nagsasabi na nanganganib ang mga wika at dayalekto at nahaharap sa matinding suliranin hinggil sa mabilis na pagbabago at unti-unting pagkawala ng mga wika o wikang ito. Isang nakababahalang senaryo na kung hindi maaagapan ay hahantong sa pagkalibing sa limot ng maraming katutubong wika sa Pilipinas.
Ang bawat rehiyon ay may kani-kaniyang rehiyunal na wika, idagdag pa ang lokal na dayalekto na sinasalita sa bawat lalawigan at mga bayan na kaniyang nasasakupan. Sa talâ ni Nolasco (2008), binanggit niya na umaabot sa halos 170 iba’t ibang wika mayroon ang Pilipinas. Batay sa sensus (2000), ang pinakagamiting wika sa Pilipinas ay ang Tagalog (21.5 milyon); Cebuano (18.5 milyon); Ilokano (7.7 milyon); Hiligaynon (6.9 milyon); Bikol (4.5 milyon); Waray (3.1 milyon); Kapampangan ( 2.3 milyon); Pangasinan (1.5 milyon); Kinaraya (1.3 milyon); Tausug (1 milyon); Maranaw (1 milyon) at Magindanao (1 milyon). Sila ang mga itinuturing na major languages sa Pilipinas (Bernales, 2019).
Ang Rehiyon 2 ay kilala bílang isa sa mga pangunahing rehiyon na nagsasalita ng wikang Ilokano. Karamihan sa kanila ay gáling sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union na nalipat lámang sa lalawigan ng Isabela at sa karatig-lalawigan. Ngunit mapapansin na sa kasalukuyan, hindi na purong Ilokano ang wika sa naturang rehiyon kundi malimit ay sa Tagalog o English na makipag-usap lalo na ang mga kabataan. Tagalog ang karaniwang midyum ng komunikasyon sa paaralan, sa misa sa simbahan, sa pamilihan at iba pang pampublikong lugar.
Sa ulat ni Gonzales (1998), umaabot sa 85.5 bahagdan ang kabuuang populasyon ang may kakayahang magsalita ng Tagalog. Dahil dito, mas pinipili ng mga kabataan na magsalita sa Tagalog kaysa sa kanilang katutubong wika. Dahil diumano sa mas pinipili ng mga kabataan na magsalita sa Tagalog, animo ito ang nagiging lingua franca ng rehiyon, gayung kilala ito bílang Ilokano Speaking Region. Ito ang dahilan kung bakit marami nang naiuulat na mga wika ang unti-unti nang namamatay dalá ng paunti nang paunti ang nagsasalita nito.
Lingguwistikong Etnograpiya ng Wikang Gaddang
Karapatang-sipi © 2021 ng Komisyon sa Wikang Filipino at ng Katutubong Pamayanang Kultural ng mga Gaddang.
RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.
Mga mananaliksik at sumulat ng manuskrito:
Joey M. Villanueva
Ma. Rousselle G. Jandoc
Denny B. Jamil
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
Gusaling Watson, 1610 Kalye JP Laurel
1005 San Miguel, Maynila
Tel. 02-8733- 7260 • 02-8736- 2525
Email:komisyonsawika@gmail.com
Upang maakses ang tampok na ito ng website, kinakailangang magrehistro upang magkaroon ng akawnt.