Pangunahing layunin ng ortograpiya ay ang paglalagay ng grafema sa pagsalita at pagbigkas upang mabasa, maintindihan at mabigkas nang tama ang salitang Gaddang. Grafema ang tawag sa isang grupo ng simbolo na ginagamit sa pagsulat ng salita. Ang mga grafema sa Gaddang ay binubuo ng titik at di-titik.
1.1 Titik
Ang titik ay isang sagisag sa tunog sa pagsasalita. Kinabibilangan ito ng patinig at ng katinig. Ang serye ng mga titik ay tinatawag na alpabeto.
Mayroong dalawampu’t walong (28) titik ang alpabetong Gaddang. Binibigkas o binabása ang pangalan ng bawat titik sa pamamaraang Ingles maliban sa Ññ na binibigkas sa pamamaraang Español.
Aa ey | Bb bi | Cc si | Dd di | Ee i | Ff ef | Gg dyi |
Hh eyts | Ii ay | Jj dyey | Kk key | Ll el | Mm em | Nn en |
Ññ enye | NGng endyi | Oo o | Pp pi | kyu | Rr ar | Ss es |
Tt ti | Uu yu | Vv vi | Ww dobolyu | Xx eks | Yy way | Zz zi |
Sa 28 na titik, walo (8) ang hiram na letra C, H, J, Ñ, Q, V, X, Z. May dalawampung (20) titik para sa natural na tunog ng Gaddang na ibinase sa pagsusuri sa sistema ng tunog sa salitang Gaddang. Ang resulta ng pagsusuri ay mababasa sa pahina 20 hanggang 24 ng manwal na ito.
1.2 Di-titik
Kinabibilangan ang di-titik ng mga tuldik at mga bantas. Ito ang mga tuldik.
Tuldik | Gaddang | Filipino | Gamit |
´ | patummad | ‘pahilís’ | Simbolo ng diin ng pagsasalita |
` | paipit | ‘paiwà’ | Simbolo ng tunog na impit sa lalamunan |
ˆ | pakupya | ‘pakupyâ’ | Simbolo ng impit sa dulo ng pantig na may diin |
¯ | pasoddag | ‘pahabâ’ | Simbolo ng pahaba na pagkabigkas ng patinig |
Ito ang mga bantas sa Gaddang. Ang paggamit nila ay katulad din sa wikang Filipino.
. tuldok
? tandang pananong
! tandang padamdam
, kuwit
( ) panaklong
“ ” panipi
― gatlang
– gitling
’ kudlit
; tuldok-kuwit
: tutuldok
Tsart na ponema na katinig ng Gaddang:
Paraan ng Artikulasyon | Lugar ng Artikulasyon | ||||||
Panlabi (Bilabi al) | Labio dental | Pang ngipin (Dental) | Pangilu (Alveo lar) | Panga la-nga la (Pala tal) | Panga la-nga la-likod (Velar) | Panlal amu nan (Glot tal) | |
Pasara (Plosive) | p b | t d | k g | ʔ | |||
Pailong (Nasal) | m | n | ŋ | ||||
Pangatal (Trill) | r | ||||||
Prikatib (Fricative) | f | s | |||||
Malapatinig (Approximant/ semi-vowel) | w | j | |||||
Pagilid na Malapatinig (Lateral Ap proximant) | l |
* Ang pabbuyat ay ginagamit sa Isabela, pabbingngat sa Paracelis, at pabbangngat sa Nueva Vizcaya.
Tsart na ponemang patinig ng Gaddang:
Posisyon ng Dila | Harap (Front) | Sentral (Central) | Likod (Back) | |||
Taas (High) | i | u | ||||
Medyo Mataas (high mid) | ||||||
Medyo Mababa (low mid) | ε | ɔ | ||||
Baba (low) | ɑ |
Ito ang mga pares-minimal na nagpapatunay na magkaiba ang sumusunod na mga ponema:
Ponema | Tunog | Grafema | Tunog | Grafema |
/p/, /b/ | [ˈpɑ.tu] | patu ‘init’ | [ˈbɑ.tu] | batu ‘bato’ |
/t/, /d/ | [ˈtɑd.du]/ [ˈtɑ.du] | taddu ‘magbahagi ng pagkain’ | [ˈdɑt.tu]/ [ˈdɑ.tu] | dattu ‘mahulugan’ |
/k/, /g/ | [ˈkɑk.kɑp] | kakkap ‘mailayo sa tukso’ | [ˈgɑk.kɑp] | gakkap ‘yakap’ |
/k/, /ʔ/ | [ˈkɑt.tu] | kattu ‘bali’ | [ˈɁɑt.tu] | attu ‘hagis’ |
/m/, /n/ | [ˈɁɑ.mɑ] | ama ‘tatay’ | [ˈɁɑ.nɑ] | ana ‘meron’ |
/n/, /ŋ/ | [ˈnɑ.nu] | nanu ‘sa’ | [ˈnɑ.ŋu] | nángu ‘tuyo’ |
/d/ , /l/ | [ˈdi.wat̪] | diwat ‘tigyawat’ | [ˈli.wɑt] | liwat ‘kasalanan’ |
/d/, /r/ | [ˈdɑk.kɑp] | dakkap ‘uri ng isang uod’ | [ˈrɑk.kɑp] | rakkap ‘mahigpit na pagkayakap’ |
/p/, /f/ | [ˈpu.tu] | putu ‘puto’ | [ˈfu.tu] | futu ‘puso’ |
/p/, /s/ | [ˈpi.lɑj] | pilay ‘pilay’ | [ˈsi.lɑj] | silay ‘bayawak’ |
/t/ ,/j/ | [ˈtɔ.jε] | toye ‘ngayon’ | [ˈjɔ.jε] | yoye ‘ito’ |
/f/, /t/ | [ˈɁɑ.fu] | afu ‘apo’ | [ˈɁɑ.tu] | atu ‘aso’ |
/t/, /s/ | [ˈtɑ.lɑk]/ [tɑ.ˈlɑk] | talak ‘tiwala’ | [ˈsɑ.lɑk]/ [sɑ.ˈlɑk] | salak ‘ligtas’ |
/j/, /w/ | [bɑ.ˈfɑj] | bafay ‘babae’ | [bɑ.ˈfɑw] | bafaw ‘babaw’ |
/ɑ/, /i/ | [ˈɁɑ.nɑ] | ana ‘meron’ | [ˈɁi.nɑ] | ina ‘nanay’ |
/ɑ/, /u/ | [kɑd.ˈdɑt] | kaddat ‘damo’ | [kɑd.ˈdut] | kaddut ‘kurot’ |
/ε/. /i/ | [bεb.bεd] | bebbed ‘simoy ng hangin’ o ‘madaldal’ sa Santiago | [bib.bid] | bibbid ‘basa’ |
/ɔ/, /u/ | [ˈɁɔd.du] | oddu ‘marami’ | [ˈɁud.du] | uddu ‘itaas’ |
Ito ang pares minimal na nagpapatunay ng mahabang patinig (vowel length) at diin (stress):
TUNOG GRAFEMA KAHULUGAN | |
Mahabang patinig (vow el length) at di-mahabang patinig | [dɔ:n] dōn ‘dahon’ [dɔn] don ‘tawag sa maya mang lalaki’ [mɑ:t] māt ‘ilog’ [mɑt] mat ‘ekspresyon ng pagkamangha’ [ku:n] kūn ‘kugon’ [kun] kun ‘sabi’ [bu:k] būk ‘buhok’ [buk] buk ‘aburido’ [ma.pe:t] mapēt ‘mapait’ [dup.pet] duppet ‘pango’ |
Diin (stress) | [Ɂɑ.ˈri] arí ‘haligi’ [ˈɁɑ.ri] ári ‘alis’ [Ɂɑp.ˈpɑn] appán ‘kunin’ [ˈɁɑp.pɑn]/ áppan ‘pain’ [ˈɁɑ.pɑn] sa Santiago [bi.ˈlɑng] biláng ‘numero’ [ˈbi.lɑng] bílang ‘bilang’ |
Nakatala sa ibaba ang mga titik na katumbas ng ponema:
Ponema Titik
/p/ Pp
/b/ Bb
/t̪/ Tt
/d/ Dd
/k/ Kk
/g/ Gg
/m/ Mm
/n/ Nn
/ŋ/ NGng
/r/ Rr
/s/ Ss
/f/ Ff
/w/ Ww
/j/ Yy
/l/ Ll
/ɑ/ Aa
/ε/ Ee
/i/ Ii
/ɔ/ Oo
/u/ Uu
Nakasulat sa pahina 58 ang mga tuldik na gagamitin sa pagbabaybay ng ponemang impit (glottal stop), sa pagmamarka ng diin, at sa pagsusulat ng mahabang patinig. Ginagamit din ang gitling sa pagsusulat ng impit sa gitna ng salita. Ang pinagbatayang resulta ng pagsusuri ay mababasa sa pahina 20 hanggang 24 ng manwal na ito.
Karapatang-sipi © 2019 ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Nueva Vizcaya, Dibisyon ng Isabela, Dibisyon ng Lungsod Cauayan, Dibisyon ng Lungsod Santiago; Translators Association of the Philippines, Inc.; at ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Disenyo ng aklat ni Kimberly De Jesus
RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.
Catalog-in-Publication data
Recommended entry:
Ortograpiya ng Gaddang / Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Nueva Vizcaya. — Manila : Komisyon sa Wikang Filipino, [2019], c2019.
100 pages, 13.97cm x 20.32cm
ISBN 978-621-8064-87-4
Inilathala ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
Gusaling Watson, 1610 Kalye JP Laurel
1005 San Miguel, Maynila
Tel. 02-8733- 7260 • 02-8736- 2525
Email:komisyonsawika@gmail.com
Website: www.kwf.gov.ph
Upang maakses ang tampok na ito ng website, kinakailangang magrehistro upang magkaroon ng akawnt.